Viral si Tatang Matapos Madapa sa Putikan sa Kakahabol ng Relief Goods,Ngunit Walang Nakuha,Nagyon Dinagsa ng Tulong

Dahil sa epekto ng kalamidad sa bansa, marami ngayong mga kababayan natin ang walang-wala at magsisimulang muli na ibangon ang kanilang pamilya. Sa ngayon sila ay naka depende lamang sa kung ano mang rasyon na maibibigay ng Gobyerno, mga pribadong tao at may mga busilak na kalooban.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Kamakailan lang ay nag viral sa social media ang isang video na ibinahagi ng netizen kung saan masisilayan na nadapa ang matanda sa putikan dahil sa paghabol nito sa ipinamimigay na relief goods, subalit ang masakit pa dito ay wala na siyang naabutan pa na mga goods.

Kinilalang si Tatay Lauriano Anung Pattaui mula sa Barangay San Isidro, Iguig sa Cagayan ang matandang nadapa. Si Apreil-Jhoiyze Juan Cabacungan-Bayucan naman ang nagbahagi ng naturang video ni Tatang.

Makikita natin sa video na puno ng alikabok at tuyong putik ang kanyang mukha matapos na siya ay madapa. Pilit niyang hinahabol ang nagbibigay ng mga relief goods sa kanilang lugar at sa kasamaang palad ay wala ngang nakuha si Tatay.

Sa video ay bakas ang lungkot ng kanyang mukha lalo na at wala siyang maiuwi na relief goods para sa kanyang pamilya.

Marami mga netizen na nakapanuod ang naawa kay Tatang dahil talaga namang nakakadur0g ng puso ang makita siya at  napakaway na lamang si Tatay Lauriano sa namamahagi subalit wala ring nag-abot sa kanya.

Matapos mag-viral ang TikTok video ng isang lalaking nadapa sa paghabol sa mga namamahagi ng relief goods ay sa wakas nabigyan na rin siya ng tulong. Marami sa mga netizen  ang nagpaabot ng tulong kay tatang.

Ngayon ay nabigyan na si Tatay Lauriano ng mga pagkain at iba pa nilang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Bigo man noong una at nadapa pa siya, ngayon, hindi na niya kailangang tumakbo at makipag-agawan dahil kusa na lamang dumarating sa kanya ang biyaya. Patuloy pa rin ang dating ng tulong sa kanya mula sa mga kababayan natin maging ang mga nasa ibang bansa.

Godbless po Tatang at sa inyong Pamilya!.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment