Marami ang naantig sa naging karanasan ng mag-amang ito, matapos naging viral sa social media ang mga larawan nilang nasilayang nakatira na lamang sa isang maliit na kariton.
You May Also Read:
Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.
Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan
Kung ang silbi ng kariton ay para lamang sa paghahakot ng mga gamit, para sa mag-ama ito ay naging tirahan na nila. Kinilalang si Mang Rodel Mojica na nasa 46 anyos ang ama, at kasama niya ang anak na si Ruben na nasa apat na taong gulang pa lamang.
Silang mag-ama ay kasalukuyang nakatira sa 1×2 meter na kariton at nasa bangketa sa may Pasig River.
Ayon sa ulat, nawalan ng trabaho bilang laborer sa isang construction company si Mang Rodel. Dahil sa hirap ng buhay ay minabuti niya na gumawa ng matitirhan nilang mag-ama.
Mahirap umano ang kanilang kalagayan ngunit wala siyang magagawa kundi magsumikap para sa kaniyang anak.
Ang karitong gawa ni Mang Rodel ay masikip na pinagkakasya nilang dalawa ng kaniyang anak. Mayroon pa itong maliit na lagayan ng kanilang damit sa loob at may bintana rin upang makaamoy ng preskong hangin.
Ganyan ang kanilang tahanan, bagama’t maliit ay malaking tulong ito sa kanila upang may masilungan sa oras ng tag-ulan.
Kahit ganito ang kanlang nararanasan sa ngayon, makikita sa kanilang mukha na masaya sila dahil daw magkasama sila at sa awa ng Diyos ay nailayo sa pandemyang ito. Napag-alamang pumanaw na pala sa sakit na tuberculosis ang kanyang asawa kaya sila nalang dalawa ng kanyang anak.
0 comments :
Post a Comment