Ang pagiging isang Ina ay napaka challenging na role, napakahirap daw subalit ibang saya naman ang naibibigay sa kanilang sarili kapag nakita nilang naging maayos ang takbo ng kanilang pamamahay.
You May Also Read:
Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.
Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan
Ang Ina ang siyang tinaguriang ilaw ng tahanan kung kaya’t dapat silang pahalagahan at bigyang pansin. Pagod, hirap at walang day-off, wala pang sahod, pero kinakaya nila para sa pamilya.
Bilang babae, isa raw sa pinakamasakit na karanasan ay ang panganganak, ito daw ang pinakamasakit na mararanasan mo sa buong buhay mo kung kaya’t may iilang kababaihan na pagkatapos manganak sa panganay ay hindi na sinusundan pa dahil ayaw na nilang maramdaman muli ang sakit na dulot nito.
Subalit naging kakaiba naman ang babaeng ito na kinilala kay Marian Nabatanzi na tinagurian pang “ Most Fertile Woman” dahil sa pagkakaroon niya ng mahigit 44 na anak subaklit ag anim dito ay hindi na niya nakasama pa.
Si Marian ay nakapag-asawa sa edad na 12-anyos at sila ay kinasal ng kanyang asawa, pagkalipas ng isang taon ay biniyayaan kaagad sila ng kambal na anak. Pagkatapos pa nito ay nasundan pa ng apat na kambal, limang triplets at limang quadruplets. Mukhang di kapani-paniwala pero naging malaking ebidensya ito na posible palang maganap sa tunay na buhay.
Ngayon ay nasa 40 anyos na si Marian at sa kasamaang palad ay namayapa na ang kanyang asawa, apat na taon na ang nakalilipas. Mag-isang binubuhay ni Marian ang 38 na anak kung kaya’t tudo kayod ito para matugunan ang kanilang pangangailangan dahil ang karamihan dito ay nag-aaral na. Sa dami ng kanyang anak, kinailangan niyang magtrabaho at mayroon siyang 3 trabaho sa ngayon.
Ipinaliwanag naman ng doktor kung bakit ganito manganak si Marian, ayon sa kanya malaki daw ang obaryo nito kaya malaki ang tyansang mabuntis kumpara sa normal na obary0 ng isang babae. Hindi rin daw maka rekomenda ng birth control ang doktor dahil posibleng magdulot ito ng malalang komplikasyon sa kanya. Nakagamit na umano si Marian ng IUD, isang uri ng birth control ng siya ay manganak sa ika -18 na sanggol, subalit nagdala ito ng malalang sitwasyon sa kanya dahil na comatose ito.
Sa dami ng anak ni Marian, di niya inisip na mga pabigat ang mga ito dahil lubusan siyang nagpapasalamat sa Diyos dahil ito ay pinagkaloob sa kanya. Aalagaan daw niya ito sa abot ng kanyang makakaya at naniniwalang gagabayan sya ng Maykapal.
0 comments :
Post a Comment