Isang sikat na Show noon ang Wowowee sa ABS-CBN tuwing tanghali, na kung saan ang host ay si Willie Revillame. Napakalaki ng naitulong ng show na ito sa kanyang mga taga subaybay at lalo na rin sa mga staff na napabilang dito. Isa sa mga sexy dancer ng show ay si RR Enriquez, nagsimula bilang dancer sa naturang show.
You May Also Read:
Tao, Puwedeng ‘Maglaho’ Dahil sa Naimbentong ‘Shield’ na Tinatawag Quantum Stealth, Panuorin.
Vendor ng Mani na may Kapansanan, Napaiyak Matapos Matangay ng H0ld-upper ang kanyang Pinaghirapan
Dahil sa talent niya at kahusayan sa pagsayaw naging tanyag siya at kinilala sa Industriya ng showbiz. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon niya ng magandang career sa industriya , ay pinili ng dancer na iwan ito at magsimula sa isang bagay na talagang noon pa man ay gustong gusto na niyang gawin sa kanyang buhay.
Tuluyang iniwan ni RR ang kanyang showbiz career taong 2011. Pinasok niya ang larangan ng skincare business taong 2012, at dahil talagang malapit siya pagdating sa mga skincare product ilang buwan pa lang ng magsimula siya sa kanyang negosyo ay talagang nag-boom na ito. Hindi nga siya nabigo sa pagpasok niya sa pagnenegosyo dahil ngayon, siya ay isa ng successful business woman at CEO ng kanyang sariling skincare business.
Isang business Laser Center at Rejuva Aesthetic sa Cavite ang itinayong negosyo ni RR, kung saan ay katulong niya rito ang kanyang longtime boyfriend na si Jayjay Helterbrand, isang PBA Player ng Team Barangay Ginebra.
Itinayo ni RR ang kanyang negosyo sa Cavite, dahil sa lugar na ito siya lumaki.
Sa isang naging panayam noon sa dating dancer ng Wowowee ay sinabi nito na hands-on siya sa pagpapalago ng kanyang negosyo, kaya naman masaya siya dahil maayos ang pamamalakad niya rito at lumago ito.
Kahit nga isa ng successful business woman, ay nanatili pa rin ang pagiging humble at simple ni RR kung kaya’t patuloy itong pinagpapala.
Ibinibigay din ni RR sa kanyang mga emplayado ang tamanag pagtrato at pakikisama sa mga ito, dahil alam niya na ang mga ito ang isa sa makakatulong niya upang mapalago niya pa ang kanyang negosyo. Dahil ika nga sila ang nagpapatakbo ng iyong barko kaya dapat din silang ingatan at pahalagahan.
Saan nga mang panig ng mundo ay may mga maririnig tayong mga successful stories, kung saan ay ilan sa mga kwentong ito ay tulad ng kay RR na mula sa pagbuo ng kanyang pangarap at pagsusumikap ay doon natupad ang isang masaganang buhay para sa kanya. Walang taong umuunlad sa pagiging isang empleyado lamang dapat ay magkaroon ka rin ng pangarap na balang araw ay maging may-ari ka rin ng kompanyang katulad nila.
0 comments :
Post a Comment