“10 PESO COIN STORY” Akala ng Dalaga ay Wala-walang na Siya, Subalit Sinuklian pa ng Siksik at Umaapaw na Biyaya

Isang malaking sandata laban sa hirap na ating nararanasan sa ngayon ay ang mataimtim na pananampalataya at tiwala sa Maykapal. Ito ang isang kwento na pumukaw sa puso ng mga netizen, pinatunayan ng kwentong ito na kahit ano pang klaseng pagsubok at sa tuwing akala natin ay walang-wala na sa kung ano mang kinakaharap natin ay andiyan siya handang punan at magbigay ng panibagong pag-asa para sa ating lahat.

You May Also Read:

Lalaki Mula Negros, Naninirahan sa Ilalim ng Bato dahil wala ng Pamilya.

Netizen, Nagbigay Babala sa Pagbili ng Ubas at Mansanas sa Mas Murang Halaga.

Babaeng Nagparetoke ng Ilong, Di Alam Na Nawala ang Isang Parte ng Kanyang Tenga na Ginamit sa Operasyon.

Marami ang pumuri sa isang kwentong karanasan ni Ma Ria na kanyang ibinahagi sa social media, ito ay mula sa may akda na si Joan Soliman na may pamagat na “10 PESO COIN STORY”. Nang dahil sa kanyang malalim na pagtitiwala sa Diyos ang sana’y kahuli-hulihan niyang sampung piso na ay napalitan pa ng sobra-sobra at apaw na biyaya.

Narito ang buong nakakaantig na istorya:
10 PESO COIN STORY

Hinding hindi ko makakalimutan yung araw na umattend kami ng nanay ko sa church tapos ang laman ng bulsa ko 10 pesos, tapos si mama walang wala din talaga as in 0.

10 PESO COIN STORY" Ang inakalang wala-walang na, sinuklian pa ng siksik at umaapaw na biyaya - The Daily Sentry

Umattend kami ng nanay ko ng Sunday service na hindi nag almusal at kumakalam sikmura, kaya hindi ko mabili ng almusal dahil may fear ako na pag naubos yung 10 pesos di kami makapag tanghalian at hapunan. Plano ko kasi ibili ng itlog ng tanghali saka itlog ulit sa gabi tapos pag hahatian namin ni mama. Yung mga susunod na araw, hindi ko na alam kung paano kami.

Habang nasa church, pumwesto yung nanay ko sa may bandang likod kung saan magkakasama yung mga kananayan. Tapos ako sa may bandang unahan, as usual kasi part ako ng music team and sa unahan din ang youth group.

Mga Katolikong Pinoy sa Italya, pananampalataya ang sandalan sa gitna ng pandemya | ABS-CBN News

Di ko makakalimutan, na kapag naaalala ko yung kabutihan ni Lord sa buhay ko, tumutulo pa rin luha ko hanggang ngayon.

Yung scenario is, tumugtog na yung pang TITHES AND OFFERING na music. Sa church kasi namin dati yung box nasa unahan ng altar, so talagang pupunta ka dun para maghulog ng tithes and offering mo kay Lord. Hindi ako pumapalya kahit baon ko sa school nag huhulog ako doon, pero ito iba dahil 10 peso coin na lang yung meron ako.

Habang naglalapitan yung mga tao, lumingon ako sa likod at tinignan ko yung nanay ko, napa tingin sya saken tapos ngumiti. Ang ginawa ko, nag decision ako na ilagay yung huling pera namin sa tithes and offering. Pumunta ko sa harap, yung saradong sarado yung palad ko kasi at some point nahihiya ako kay Lord na 10 pesos lang yung nakayanan ko. As in saradong sarado yung palad ko.

Natapos yung service ng church. Inalok kami nila Pastor Dario (Hope Church Pastor in Taytay Rizal) na doon na kami mananghalian. Ang matindi may pa sopas pa right after ng service so naihabol namin ng nanay ko yung gutom nung pang almusal at nakapag lunch pa.

Ang matindi, pag uwi namin ni Mama, nag aantay yung bestfriend nya na galing abroad at kakauwi lang ng Pinas. May dalang mga pasalubong, mga de lata, chocolates at kung ano ano pa. Yung pinaka malupit nagbigay sa nanay ko ng limang libo (5000 pesos) as a gift daw at ibili ng gusto.

Pumunta ko sa kwarto ng di alam ng nanay ko at doon ako umiyak ng sobra sobra. Dahil alam ko na ginamit ni Lord yung kaibigan ng nanay ko para mag provide sa amin ng panahong 0 na talaga.

Dun ko napatunayan na may MIRACLE.

I share this story of my life to inspire people na, ngayong pandemic na kinakaharap natin, ngayon tayo mas kailangan maging matatag sa FAITH natin kay Lord. We have a BIG GOD. Kaya kailangan BIG FAITH ang meron tayo sa Kanya.

Mula ng mangyari sa buhay ko ito, hindi na ako natakot maka experience ng challenges. Every challenges na kinakaharap ko, lagi ko tinatanim sa isip ko na may PURPOSE/REASON ang LAHAT. At kung ano man yon, si Lord lang nakaka alam. Kaya mula noon hanggang ngayon pinahalagahan ko yung blessing na binibigay Nya sa akin and I make sure to PAY IT FORWARD.

Truly FAITH SHOULD BE BIGGER THAN OUR FEAR.

ALL PRAISE AND GLORY TO GOD ALONE! Amen


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment