Kung magpapatalo ka sa mga problema at unos sa buhay ay walang mangyayari sayo, kaya nga may salitang move-on, para hindi ka tumigil sa ganyang sitwasyon. Nitong taon, nakaharap tayo sa maraming pagsubok, trahedya at ang malalang pandemya.
You May Also Read:
Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?
Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.
Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.
Marami ang apektado at nawalan ng pangkabuhayan , nagsara ang mga establisyemento at lalong naging mahirap ang pamumuhay ng tao.
Pero kung iisipin mo lang ang negatibong epekto nito, hindi tayo makaka-ahon sa hamon, dapat gawin itong inspirasyon para malakas na makabangon.
Katulad na lamang po sa nakaka inspire na istorya ng isang single mom na kinilala kay Minda Nacario ng Quezon City. Mayroon siyang negosyong printing shop, subalit nagsara ito dala ng pagbagsak ng kita ng tao dahil sa lockdown na nagsimula noong buwan ng Marso.
Dahil sa pagsara ng kanyang printing shop, nawalan na siya ng source of income at dagdagan pa na nakipaghiwalay siya sa kanyang asawa, kung kaya’t mag-isa niyang binubuhay ang kanyang anak. Katulad ng karamihan, sinubok din siya ng panahon na umabot sa puntong walang-wala siya ni diaper ay hindi na niya kayang bilhin at tanging asukal na lamang ang pinapakain sa bata.
Ayon sa kanya:
“Dumating yung time na yung baby ko walang diaper tapos nagkasakit siya, sabi ko wala akong pambili ng gamot hanggang sa dumating yung time na pakainin ko nalang siya ng asukal. Kaya sabi ko, maghahanap talaga ako ng paraan kung paano ako makakuha ng pera, paano ako maka ipon, paano makapagtinda-tinda.”
Nagsimula siya sa puhunang P2,500 at iilang ma manok palang ang kanyang binebenta online, di niya akalain na ito pala ang maging daan upang muli siyang magkakaroon ng pangkabuhayan.Naimbitahan rin siya na magbenta sa fresh market on wheels sa kanilang lugar, di kalaunan ay biglang pumatok ang kanyang negosyo at mas napalago pa niya ito.
Mula sa P2,500 na puhunan, ngayon ay kumikita na siya ng P50,000 kada araw, may mga naipundar na rin siya katulad ng tatlong pwesto at nagpagawa ng storage para sa kanyang paninda.
Sa halos tatlong buwan pa lang nakabili na rin siya ng dalawang sasakyan, at nakatulong pa sa kaniyang mga kamag-anak.
Isang patunay si Minda na walang imposible, kung marunong kang dumiskarte, dagdagan pa ng sipag, tiyaga at panalangin sa Maykapal.
0 comments :
Post a Comment