Ayon pa nga sa kasabihan “age doesn’t matter” para sa dalawang pusong lubusang nagmamahalan.Wala sa layo ng agwat ng edad ang basehan kung kayong dalawa ay tapat na nagmamahalan.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Ito ang pinakita ng mag-asawa na ito at pinatunayan sa publiko, ang lalaki ay isang menor de edad at ang babae naman ay isa ng Senior Citizen, silang dalawa ay nag-iibigan. Marami ang halos di makapaniwala sa kalagayan nila, subalit walang sinuman ang makapag paliwanag sa kanilang nararamdaman.

Nasa edad na 16-anyos ang lalake na nahumaling sa isang 71-anyos na matandang babae, sa agwat ng kanilang edad tila mag-lola na ang mga ito, kung kaya’t marami ang hindi sang-ayon at kadalasan tampulan ng chismis ang kanilang relasyon, kinilalang si Selamet ang lalake at si Rohaya naman ang babae.

Kahit na maraming hindi magandang nasasabi sa kanilang relasyon ay nakakabilib na matatag at matibay parin ang pagsasama ng dalawa.

Ayon sa mga balita, nung una ay hindi mapapayag ng mga ito ang kani-kanilang pamilya para sa kanilang pag iisang dibdib ngunit sa huli ay pilit na lamang nilang tinanggap ang pagmamahalan ng dalawa.

Ayon sa dalawa ay mas gusto nalang nilang mawala sa mundo kaysa paghiwalayin sila ng kani-kanilang pamilya.

Matatag ang pagsasama ng dalawa hanggang ngayon kahit na 55 taon ang agwat ng kanilang edad.

Upang wala ng makapigil sa kanilang pagmamahalan ay agad na nagpakasal ang dalawa.

Habang sila ay nagsasama ay nagkaroon ng bali-balitang kinakandado umano ni Selamet ang kanyang asawang si Rohay pag aalis ng kanilang tahanan.

Saad naman ni Selamet, ito ay ginagawa nya lamang upang makasigurado na walang makaagaw sa kanyang asawa dahil umano ito ang kanyang pinaka mamahal.

Marami rin ang nakakapansin na palaging nakadikit itong si Selamet kay Rohaya at napadalas ang pagliban nito sa pagpunta sa Mosque upang magdasal na kinagisnan ng lalaking Muslim. Ito ay dahil narin sa pagbabantay kay Rohaya.

“I have reminded him to diligently pray. I told him to remember the village leader’s words. If it is Friday, then he must go to the mosque to fulfill his Friday prayers. He even invited me to go with him.” ayon kay Rohaya.

Sinabi rin ni Selamet na nais na niyang magkaroon ng anak sa 71-anyos na asawa at sa sobrang pananabik ay nakapili na rin siya ng maaaring ipangalan sa kanilang anak kung sakali.

“I want my daughter to be named Putri Permata Sari and my son to be named Andre Maulana.” ayon kay Selamet.

Wala namang makapagsabi kung paano nila magagawang magkaroon ng anak. Malakas ang balita na ilang beses nang naisugod ang matandang asawa ni Selamat dahil sa sobrang pagod.

Talaga ngang ang kanilang pag-iibigan ay isang patunay na sa larangan ng Pagmamahal walang saktong batayan para ang dalawang puso ay pagbawalan.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment