Nakakadurog ng Puso: Binawian ng Buhay ang Volunteer Rescuer Dahil Nakuryente Habang nasa Rescue Operation.

Tila isang bangungot ang hatid ng taong 2020 sa ating lahat, simula palang ng pagpasok ng taon, dinagsa na ang bansa ng maraming kalamidad at pagsubok, nagkaroon ng malawakang pandemya sa kasaysayan ng bansa na hanggang ngayong patapos na ang taon ay hindi pa nabigyan ng lunas.

You May Also Read:

Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?

Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.

Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.

Halos dalawang buwan nalang at haharapin na natin ang panibagong taon, tila humahabol pa rin ang mga pagsubok sa atin, kamakailan lang ay hinarap natin ang bagyong Rolly na nagpinsala sa Bicol Region, di pa tapos ang linggo ay dumating na din si Bagyong Ulysses na hindi naman kasing lakas ni Rolly, pero mas naging malaki ang epekto at pinsalang nagawa.

Iilan sa mga lalawigang masyadong apektado ay ang Rizal,Maynila,Isabela at Cagayan Valley, dahil sa malakas at walang tigil na ulan, kinailangan ng Magat Dam na magpakawala ng tubig. Di inaasahan na lulubog sa baha ang mga kabahayan at mapalagay sa panganib ang mga mamamayan.

Sa ngayon ay lubog parin ng baha ang Cagayan at Isabela at tinatayang labing limang talampakan pa ang taas ng tubig rito.

Maraming taga roon na nagmamakaawa na tulungan sila. Ang iba ay nag upload ng mga videos, larawan at mga audio online para humingi ng tulog.

Dahil dito maraming mga volunteers ang nagdesisyon na tumulong dahil narin maraming mga bata at senior citizen ang  binawian ng buhay. Marami ring nagsasasabi na marami ng bangk4y ang palutang lutang sa tubig.

Isa sa mga volunteers ang sumubok na magligtas ng mga tao sa Brgy. Linao, Tuguegarao City at siya ay si Kelly Villarao. Isa siyang frontliner at isang bayani.

Ang malungkot dito ay binawian sya ng buhay habang nakasakay sa rubber boat at nagliligtas ng buhay.

Sa post ni Ian Saquing Maggay, pinost niya ang larawan ng ating bagong bayani na si Kelly Villarao. Ayon sa post ang sinasakyang rubberboat ni Villarao ay bumangga sa poste at doon sya nakuryente.

At ito nga umano ang dahilan ng pagkamatay ni Villarao. Marami ang kumilala sa kanya bilang isang bayani dahil sa kabayanihan na ipinamalas niya.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment