Ibang-iba ang buhay na kinagisnan ng mga kabataan sa ngayon kumpara noong unang panahon o mga taong nasa 1990’s. Noon ay namulat ang mga bata sa pisikal na laro kung kaya’t mas naging malusog sila at malayo sa sakit.
Sa panahon kasi ngayon na napakalaki na ng kontribusyon ng teknolohiya, kinalakihan na ng mga bata ang paggamit kaagad ng gadget kaya may mga batang maaga pa’y may damage na ang paningin.
You May Also Read:
Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.
Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.
May mga batang naglalaro noon sa kanilang kapwa kabataan at gayundin mayroon ng mga alaga na sila mismo ang umaasikaso nito, tulad ng aso, pusa, ibon at mga maliliit na makulay na isda.
Subalit, katulad ng ibang bata na mayroong mga alaga, naging agaw pansin ang batang ito mula sa Canary Island sa Spain dahil sa kanyang kakaibang kalaro at alaga.
Makikita sa video ang isang bata na nasa dagat. Maya-maya pa, inilapat niya ang kaniyang kamay sa ibabaw ng tubig na para bang nagbibigay-senyales sa mga nasa ilalim ng dagat.
Unti-unti pa, lumabas ang isang makintab, maitim ang napakalaking nilalang-dagat. Isang napakalaking stingray ang pumaibabaw at lumapit sa palad ng bata.
Pero hindi lang isang stingray ng lumapit sa bata kundi napakarami pa! Alaga pala niya ang lahat ito!.
Bagaman maraming tao ang natatakot sa mga stingrays, hindi naman ganito ang reaksyon ng bata sa nilalang-dagat na ito. Sa halip, buong pagtitiwala pa niyang pinakakain ang mga stingrays sa kaniyang palad.
Kaya naman, makikita natin sa video na nagtitiwala ang bata sa mga stingrays at gayundin, nagtitiwala rin ang mga ito sa kaniya.
Hindi na rin magtatagal at ang mga mababangis na hayop ay mapapaamo na rin ng mga tao. Kaya naman mahalaga na maipanalo ng mga tao ang pagtitiwala ng mga hayop at bigyan sila ng tamang aruga at pag-aalaga na kailangan nila mula sa mga tao.
Mayroon din ba kayong kakaibang alaga sa tahanan?
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment