Napakalaking Misteryosong Punso-Tumubo sa Loob ng Bahay at Pinaniniwalaang May Dalang Swerte, sa Iloilo City.

Isang kwento na ibinahagi naman ng Kapuso Mo Jessica Soho patungkol sa isang bahay sa Leganes Ilo-ilo kung saan may kakaibang laki ng punso na tumubo mismo sa loob ng kanilang bahay na halos umabot na ng 6 feet at lapad na 5 metro.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

Sa sobrang laki at lapad halos nasakop na nito ang likurang parti ng kanilang sala at kusina, na ayon sa may ari ng bahay na si Baby,dati ay may sofa pa nga daw at ibang kagamitan sa kung saan nakapwesto ang punso. Ngunit ngayon dahil napakalaki na ng anthill ay kinailangan na nilang alisin ang mga gamit dahil baka ito raw ay kanilang masagi.

Pinaniniwalaan kasi na tirahan ng mga nuno, duwende, o iba pang lamang lupa ang “Anthill” o mas kilalang Punso. Ngunit kung tutuusin ang laman ng mga ito minsan ay mga malalaking langgam at anay.

Pinangangambahan naman nila dahil baka kapag nasagi nila ito ay magambala nila ang anumang elementong nandito. Kaya naman bilang proteksyon ay naglagay sila ng maliit na altar sa tabi ng punso at nag-aalay ng mga pagkain tuwing unang Biyernes ng buwan.

Noong taong 1989, ang unang tumira sa bahay na iyon ay ang biyenan ni Baby na si Tatay Emilio. Ito raw ay dating shelter ng isang non-government organization. Ibinahagi ni Emilio na dati ay maliit lang na tipak ng lupa ang punso at saka pa niya raw ito binakuran. Ngunit sa katagalan ay lumalaki na ito at hanggang tumubo na sa loob ng bahay ngunit ito raw ang nagdala ng swerte sa kanila.

Taong 2013 nang ipinamana ni Emilio ang bahay na ito sa kanyang anak ni si Rodelio, ang asawa ni Baby. At ilang buwan pa lamang ng nakaranas sila ng pagpaparamdam.

Samantala, nang kumalat ang balita sa kanilang lokal na pamayanan, isang representative sa agricultural department ang nagsiyasat ng lupa. At napag-alaman na ang laman pala ng misteryosong punso ay mga anay.

Ayon sa agricultural officer, nag-offer ito ng alternatibong paraan upang matanggal ang mga anay. Pwede nilang gibain ang punso o sila nalang ang lumikas sa ibang bahay dahil delikado ang punso sa pundasyon ng kanilang kahoy na bahay.

Matapos ang mahabang diskusyon, napagdesisyunan ng pamilya na manatili na lamang ang punso sa kanilang bahay. Ito daw ay bilang respeto sa kanilang paniniwala sa mga engkanto.

Sa palagay nyo po, totoo bang may mga nakatira na ibang elemento sa mga punso?


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment