Kung bibigyan ng pagkakataon na magkaroon tayo ng sarili nating sasakyan, may tatanggi pa kaya? Siyempre naman siguro, wala. Lahat tayo ay gustong magkaroon nito upang mapabilis ang ating paglalakbay sa araw-araw.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Subalit mananatili lamang itong pangarap para sa mga mahihirap, dahil alam naman nating masyadong mahal magkaroon ng sasakyan, imbes na ibili nila ng sasakyan ay mas uunahin na lamang ang mga importanteng paglalaanan.
Pereo nakakahanga ang ipinamalas na talento ng lalaking ito dahil sa pangarap niya talaga na magkaroon ng sariling sasakyan subalit hindi kaya ng kanyang budget kaya naman gumawa siya ng sarili niyang kotse. At hindi lamang ito isang ordinaryong kotse kung hindi isa pa itong replica ng isang luxury car na Lamborghini.
Siya ay kinilalang si Ken Imhoff. Seventeen years ago, ng mapanuod ni Ken ang movie na The Cannonball Run ay nainspire siya na gawin ang kanyang sariling Lamborghini Countach.
Makikita dito sa litrato niya na nakuha pa noong 1958 na mahilig na talaga siya sa mga sasakyan. Makikita na nakasakay siya sa isang sports car chassis na ginagawa ng kanyang tatay. At magsimula noon ay hindi na nabago ang kanya pagkawili sa mga sasakyan.
Isang dekada ang makalipas ng makita ni Ken ang isang Lamborghini habang papunta siya sa kanyang trabaho. At dito na niya simulang gawin ang kanyang sariling kotse sa kanilang basement na halos umabot sa 17 years bago niya tuluyang makumpleto.
Kadalasan, si Ken ay nasa kanila lang basement na nagde-design, nagwe-welding, inaayos ang mga makina, at nagpipintura. Ang pagbuo ng replica ng Italian sports car na ito ay isang malaking trial and error. Kahit ilang beses man siyang pumalpak ay nagpursigi pa rin ito.
Kailangan niyang makuha talaga ang bawat detalye ng kanyang kotseng pinapangarap at gusto niya na maging perpekto ito. Ang estimated time niya upang matapos ito ay 5 years lang, pero sa aktual ay umabot siya ng 17 years.
Ngunit tamang-tama lang naman dahil nang matapos niya ito ay bago siya mag-50th birthday.
Laking gulat ng mga tao, na pagkatapos ng 17 years ay ni-reveal ni Ken ang kanyang masterpiece sa publiko ng inilabas niya ito sa kanilang basement.
Sa ginawa ni Ken, isa lamang itong patunay na walang imposible kung ito ay gawin ng mag pagpursige.
0 comments :
Post a Comment