Sobrang Napahanga! Gwardya Tinawag na “Sir” ang Batang Pulubi na Nanghihingi ng Tubig at Pagkain, Nais pa Sanang Bigyan Ito ng Softdrinks, Akala ng Netizen Ay Itataboy ito ng Gwardya!

Isang magandang kaugalian ang pinamalas ni Mamang Security Guard sa pagtugon sa kahilingan ng batang pulubi na ikinahanga pa lalo ng mga naka saksi sa nangyari.

Kadalasan kasi kapag may mga nanlilimos na tumatambay sa mga establisyemento ay pinapaalis ng mga gwardya dahil naging pabigat ang mga ito sa mga kustomer at sa establisyemento.

You May Also Read:

Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.

Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.

Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.

Kahit pa man walang ginagawang masama ang mga ito ay pinapaalis na sila at minsan ay napagbibintangan pa ng mga nawawalang gamit.

Subalit, kakaiba ang ginawa ni Manong Guard sa isang pulubi kung kaya’t napahanga ang netizen sa kanya. Isang magandang serbisyu at fair na katulad sa mga regular na kustomer ang pagtrato ng gwardya sa isang batang pulubi.

Napa react ang mga netizen at pinusuan ang magandang nagawa ng gwardya ng fastfood na Mang Inasal.

Narito ang pagsasalaysay:

Hinangaan ni Julius Paigalan ang natunghayan niyang angking kabutihan ng isang security guard sa batang hindi naman nila customer kundi nanghihingi lamang ng makakain sa nasabing kainan.

Sa post ni Julius, habang nasa labas ng Mang Inasal at inaantay ang kanilang order, nakita niya ang batang paslit sa isang tabi na kumakain ng chicken inasal. Kalaunan ay lumapit umano ito sa nakabantay na security guard at sabay nanghihingi ng tubig na maiinom.

Ang akala niya’y hindi na papansinin ang bata dahil naging abala din ang security guard sa mga pumapasok na kustomer, ngunit namangha siya nang pinansin ito ng guard at tinawag bilang “Sir”.

Mas lalo pa siyang namangha nang mag offer pa ang guard kung tubig lang ba ang gusto bata o softdrinks.

“Ang akala ko’y di siya talaga papansinin ng guard, kasi parang naging common nadin para sa atin na nakikita natin sa society na pag mga palaboy ay hindi sila binibigyang pansin at pinapaalis lang,” saad niya.

Nakita niya ang magandang ngiti sa mukha ng bata hindi lang dahil sa nabusog siya sa pagkain at inuming ibinigay kundi pati narin sa kabutihan at pantay na trato sa kanila ng isang security guard.

“We’re used to respect people in authority. But isn’t it more applauding to respect everyone of different social status? ”

“The fact that the SG is addressing the young boy as “Sir”, really is commendable!”

Umani ng samot saring mga papuri at pasasalamat mula sa mga naantig na mga netizens ang kabutihang ipinakita ng isang securty guard sa batang paslit.

You May Also Read:

Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment