Binawian ng buhay ang mag-amang naging b1ktima ng Bagyong Rolly nang balikan ng mga ito ang kanilang tahanan sa Barangay Gogo, Virac, Catanduanes upang kunin ang mga gamit ng anak para sa kanyang pag-aaral sa unibersidad.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Naisipan umanong balikan ng mag-ama ang mga gamit ni Mecaella lalo na at running for honors ito sa kanilang paaralan.
Kinilala ang mga nasaw1 bilang sina Ramon Jacob at Mecaella Jacob.
Ayon sa naulilang ina na si Liwayway, binalikan nina Mecaella kasama ang ama ang naiwang gamit sa eskuwela. Dahil hirap sa signal ng telepono, hindi nakatulog sa pag-aalalala si Liwayway, na lumikas kasama ang iba pang anak bago pa man humagupit si “Rolly”.
Aniya, “Umaga na , wala pa asawa ko at anak ko. ‘Yung dibdib ko para nang sasabog, 4 o’clock na ‘yun ng madaling araw, parang sasabog… Sabi ng anak ko na ‘tiwala lang sa taas.”
Sa ilog na limang minuto ang layo mula sa kanilang tahanan natagpuan ang mga labi ng mag-ama noong Nobyembre 2. Hawak pa umano ni Mecaella ang kaniyang module nang matagpuan ang [email protected] nito.
“Yung lang inaano niya, ‘yung laptop, mga gamit niya. Masaya na rin po ako kasi magkasama sila ng papa niya kahit kaming 3 andito pa,” kwento ni Liwayway.
Si Mecaella ay running for cum laude sa kanyang eskwelahan habang breadwinner naman ang ama nito.
Umaapela naman ng tulong ang pamahalaang panlalawigan ng Catanduanes dahil paubos na umano ang pondo nito na ginamit sa pagtugon sa pinsalang hatid ng bagyo na sinabayan pa ng C0vid-19 pandemic.
0 comments :
Post a Comment