Lolo, Nanginginig sa Gutom na Sinabi: Bumili ka para may makain ako,” Sa Kabila ng Mahina ng Katawan ay Patuloy pa rin sa Pagkayod.

Tayong mga Pinoy ay may pusong mamon na mabilis lamang makaramdam ng awa sa ating kapwa lalo na kapag nakikita silang nasa hindi magandang kalagayan. Katulad na lamang ng mga batang iniwan ng kanilang mga magulang at lalo na ang mga matatandang patuloy na nagtatrabaho sa kabila ng kanilang mahinang katawan.

You May Also Read:

Anak, Naluha ng Malaman Ang Dahilan Ng Hindi Pagsabay sa Kanila ng Ama Tuwing Hapunan.

Araw ng Kasal 3 Beses na Hindi Natuloy, Sa Pang-apat, Groom Binawian ng Buhay.

Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.

Minsan ay napapabili na lamang tayo kahit pa man ito ay di natin kailangan upang maging tulong na lamang sa kanila. Sa ating pagtanda kinakailangan nating paghandaan ito upang di tayo matulad sa ibang pinapabayaan na lamang at tinatratong pabigat ng kanilang pamilya.

Masakit man na matapos ng ginawang sakripisyo nila sa kanilang pamilya, sa kanilang pagtanda ay walang mag-aalaga sa kanila kundi sarili pa rin nila, katulad na lamang po ng kwento ni Lolo na ibinahagi ng netizen na si Ronald Ancero Casil.

Ang matandang si Lolo Tony Pano ay kaniyang nakita, mag-isa nalang ito sa buhay, at tanging pagtitinda ng lamang dagat lamang ang kanyang pinagtutustos sa kanyang pang-aaraw-araw na pangangailangan.

Sa video na kanyang kuha, makikita na halatang nanginginig ang matanda habang siya’y inaalok na bumili sa kanyang nakabaldeng mga halaan upang siya ay may maipambili ng kanyang makakain at pamasahe niya pauwi sa kanila.

Nang ito’y tanungin ni Ronald tungkol sa kanyang asawa at mga anak, sinabi niya na matagal narin na wala na ang kanyang asawa at ang mga anak naman niya ay may sarili na ring pamilya kaya siya na lamang ang naiwan mag-isa.

Hindi alintana ni Lolo Tony ang banta ng lumalaganap na sakit ngayon, lalo pa sa kalagayan niyang may edad na at mahina na ngunit wala marahil itong ibang paraan upang buhayin ang sarili Ang matanda ay kumikita lamang ng limang piso sa kada isang takal na maibenta niya, pilit na pinagkakasya ang maliit na kita para sa kanyang pagkain at pamasahe pauwi sa kanila.

Nag-abot din si Ronald ng kaunting tulong sa matanda dahil nahihilo na umano ito sa gutom. Narito ang kanyang buong post: NAHIHILO NA AKO, BUMILI KA PARA MAY MAKAIN AKO, HINDI PA AKO KUMAKAIN.

Habang may nilakad ako nakita ko si Tatay na nagbebenta at naka-upo mismo sa harap ng simbahan.

Nilapitan ko siya ka-agad dahil wala nang bumibili sa binibenta niya. Dinadaanan lang din siya noong ibang nakakita sa kanya at tinanong ko siya kung ano binibenta niya at kung taga saan siya at ito ang kanyang mga sagot.

Gutom na gutom na raw siya dahil hindi pa siya kumain, kulang pa daw pamasahe niya pauwi sa pinanggalingan niya. Ito na raw yung pinagkakakitaan niya kahit limang leso lang ang kanyang kinikita kahit sa isang timba.

Para lang daw may matustos at magamit para sa pang araw-araw ni Tatay. Siya raw ay taga Panas, Candijay, Bohol. Dadag ko rin sa kanya, kung makita ko siya ulit bibigyan ko pa rin siya ng kunting tulong kahit papano.

You May Also Read:

Isang BABALA Para sa Mga Magulang na ang kanilang Sanggol ay Natutulog na NAKADAPA.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment