Sa panahon natin ngayon, bihira na lamang ang mga taong nabubuhay na lagpas sa 100 ang edad. Kung kaya ang ating Pamahalaan ay may parangal sa mga kababayan nating umabot sa ganyang edad at ito ay nagkakahalaga ng P100,000.
You May Also Read:
Isang Lola ang Gumagapang Kahit Tirik na Tirik ang Araw Upang Makahingi ng Kanyang Makakain.
Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya, sumabay rin ang mga iba’t-ibang uri ng sakit na nagpapa-ikli sa buhay ng tao, isa sa mga dahilan nito ay ang mga preservatives at mga kemikals na nagpapasarap nga sa ating pagkain pero nagdudulot naman ng masamang epekto sa katawan ng tao.
Kaya talagang kahanga-haga ang tibay ni Lola Francisca T. Monte-Susano na umabot ito sa edad na 124. Siya ay ipinanganak noong Setyembre 11, 1897, dahil sa kanyang katandaan siya ay tinagurian bilang ” Oldest Living Filipino” na nakatira sa bayan ng Kabankalan City, Negros Occidental, Philippines.
Baka nga nasa lahi talaga nila lola ang pagkakaroon ng malakas na pangangatawan at malusog upang makaabot sa ganitong mga edad, napag-alaman kasi na ang isa sa kanyang mga anak ay nasa lampas 100 taon na rin at siya ay si Lola Magdalena.
Sabi naman ng mga kamag anak nila ay madalas daw nilang kainin ay mga gulay lamang kaya pinaniniwalaan nilang isa ito sa mga sektreto kung bakit nila napahaba ang kanilang mga buhay.
14 ang lahat ng naging anak ni lola Francisca at naabutan pa nya ang 16 na presidente, mula pa kay Aguinaldo hanggang sa kasalukyan nating presidente ngayon na si Rodrigo Duterte. Bilang libangan naman ang tumutugtog si lola ng Harmonica at kung minsan ay ito narin nag sisilbing exercise tuwing umaga.
Sana ay humaba pa ang buhay ni Lola at marami pa ang magkaroon ng edad na kagaya niya. Stay healthy po tayo sa panahon ngayon para malabanan ang pandemya.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment