Parang normal na lamang na sa panahon natin ngayon na namulat na tayo sa Social Media, na kada may selebrasyon ay agad nating pinopost ito sa mga Social Media App katulad ng Facebook at Instagram.
You May Also Read:
Isang Lola ang Gumagapang Kahit Tirik na Tirik ang Araw Upang Makahingi ng Kanyang Makakain.
Kadalasan ito ay mga anibersaryo, kasal at kaarawan, marami rin ang nagpapa-abot ng kanilang mga pagbati kahit pa man mga nasa malayong lugar ito. Naging mas masaya ang simpleng araw kapag alam mong naalala ka at nabati rin ng iyong mga kaibigan at pamilya. Isa ring magandang alaala ito kung kayat ibinabahgi natin sa social media.
Subalit, ika nga hindi natin ma please ang lahat ng tao, kung kaya’t katulad sa nangyari kay ate na mayroong nagalit dahil sa kanyang pagpost ng birthday niya at mga handa dahil daw tighirap ang tao ngayon dala ng pandemya kaya hindi daw dapat magpost ng mga ganito.
Sa ilang screenshots na ibinahagi ng netizen na si Alfine Santos Rosales, makikita sa isang screenshot na ibinahagi ng kaniyang tita na si Rachelle Rosales sa socmed account nito ang ilang handa niya para sa kaniyang kaarawan.
Sa nasabing screenshot, makikita din ang naging komento ng netizen na mayroong username na Nadlor Eco Ocire tungkol sa naging handa ng tita ni Alfine.
Saad ng nasabing netizen sa kaniyang komento na sana ay hindi na lamang daw ipinost ni Rachelle ang kaniyang handa sa socmed at hiling pa nito na sana ay makaramdam naman daw si Rachelle at huwag na lamang ipangalandakan ang kaniyang handa dahil nga mayroong krisis na kinakaharap ang mga tao ngayon.
Samantala, sinabi naman ni Alfine sa kaniyang post na ibinahagi din naman nila ang handa ng kaniyang tita sa kanilang mga kapitbahay.
Maging ang hiling lamang din ng kaniyang tita ay hindi para sa kaniyang sarili lamang kung hindi para sa lahat na para sa sana ay gumaling na lahat ng mga C0VID-I9 patient sa buong mundo.
Nilinaw din ni Alfie na ang mga handa ng kaniyang tita ay bigay at regalo lamang. Nagtulong-tulong din silang pamilya upang mapaghanda ang kaniyang tita kahit kaunti lamang.
Sa kabila ng pandemya, isang malaking blessings na buhay tayo at ang ating pamilya kung kaya’t dapat nga itong ipagpugay, maraming netizens rin ang nagbigay ng kanilang komento ukol sa pangayyaring ito.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment