Nakaka-awa ang Sitwasyon ng Matandang Lalaki na Mag-Isang Namumuhay sa Maliit at Masikip na Barong-barong.

Di man natin alam kung ano ang mga pinagdadaanan ng bawat isa sa atin kung bakit may mga kababayan tayong tila iniwan na ng kanilang pamilya o kaya ay namumuhay nalang mag-isa. Sobrang hirap lalo na sa mga kababayan nating walang regular na pinagkukunan ng kanilang pang araw-araw na pangangailangan at kapag sila ay matanda na.

You May Also Read:

Tuwing Dapit Hapon,Pinupuntahan Ng Batang Ito Ang Kanyang Kakaibang ‘Alaga’ Sa Dagat,Nakakabigla sa Dami nila.

Mga Magsasaka, Nakahukay ng Malaking Ugat at Binenta sa Halagang P33,000, Ang Totoong Presyo pala ay nasa P336,000 o Mas Mataas Pa.

Babaeng Customer, may Iniwang Sulat sa Tisyu,na Nagpaiyak sa Jollibee Crew na Nagligpit Nito.

Sino na lamang ang mag-aalaga sa kanila at magbibigay ng kanilang pangangailangan.

Ito ay naranasan ng karamihan sa ating mga kababayan at isa na nga rito ang kwento ng buhay ng matandang lalaking ito na naninirahang mag-isa sa maliit at masikip na barong-barong.

Ang barung-barong na ito ay parang kasinlaki lang ng bahay ng aso, sa sobrang liit ay hindi ka na makakagalaw at hindi ka manlang makakahiga.

Nagviral sa social media ang ipinost na mga larawan ng isang concerned netizen na si Xylenejoy Siarot. Ang mga nasa larawan ay si Tatay na hindi napangalanan pero nakatira sa Baryo Tabay, Barangay Tominobo, Iligan City.

Makikita sa larawan ang kalagayan ng matandang lalaki. Siya ay nakatira sa napakaliit na pinagtagpi-tagping kahoy at may maliit na yero at tila wala pang saplot sa pan-ilalim nito.

Tanging pag-upo lamang ang nagagawa ng matandang lalaki dahil sa liit ng kanyang tinitirhan. Wala ding makikitang kahit anong gamit si Tatay..

Labis nga na nangangailangan ng tulong si Tatay. Kaya naman hindi nagdalawang-isip ang uploader na ibahagi ang kanyang mga larawan at nagbabakasakaling may mabuting kalooban ang magbigay sa kanya ng tulong at komportableng matutuluyan.

Narito ang buong post ni Xylenejoy sa kanyang Facebook account:

“Tay sana matolungan ka sa KMJS.napost nakita tay hintayin mo lang baka puntahan ka dyan.GOD BLESS TATAY.”

Tunay nga na napakahirap ang maging mag-isa sa buhay. Lalo pa ngayon na may pandemiya na napakahirap ang kumita ng pera o maghanap ng makakain.

May iba man na kayang mabuhay ng mag-isa, sa kalagayan ni Tatay ay kabaligtaran ito. Siya ay may edad na at mukhang wala ng kakayahang magtrabaho para sa sarili.

Wala nang naging update ang uploader kung may mga personal na nagpunta kay Tatay at nag-abot ng kanilang matutulong.

Sana ay may mga taong busilak ang puso na tumulong kay Tatay.

You May Also Read:

Netizen, Napabilib sa Estudyanteng Nagtitinda ng Balut, Pugo at Chicharon Para Panustus sa Kanyang Pag-aaral.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment