Madiskarte tayong mga pinoy, kung kaya’t gaano man kahirap ang buhay ay nilalabanan natin ito at nakaka-isip tayo ng mga paraan upang mai-ahon ang ating pamilya mula sa malinis na paraan.
You May Also Read:
Babaeng Customer, may Iniwang Sulat sa Tisyu,na Nagpaiyak sa Jollibee Crew na Nagligpit Nito.
Sa panahon ngayon na lubhang napakahirap, kahit ano ay ating gagawin upang magkaroon lamang ng salaping maiuuwi sa ating pamilya. Katulad na lamang po ng ginawa ni lolo na nagviral pa sa social media.
Nasa 78-anyos na daw si lolo pero di niya alintana ang kanyang edad at init ng panahon upang makapaglako ng kanyang panindang mga Indian Mango sa mas murang halaga. Kahit na maliit lamang ang kanyang kinikita ay inilalaan niya ito upang makabili ng gamot at pagkain para sa pangaraw-araw na pangangailangan.
Naantig ang puso ng isang Netizen sa kondisyon ni Lolo nang namataan niya ito na naglalako ng Indian mango sa kalsada. Napansin ni Denso ang matanda na may hawak na plastik bag na may laman na mga Indian Mango.
Ayon sa video na ibinahagi ni Denso Tambyahero s akanyang FB account na umani ng halos 1.5M views, “pag nakita nyo po si tatay bilhan nyo po siya ng Indian Mango”.
Kwento ni Lolo, Bente (Php20) lamang ang kaniyang mga tindang mangga at matamis umano ang mga ito, Nanggaling pa umano ang matanda sa Antipolo upang magtinda at nanggaling nadin siya sa Pasig.
Nagtaka din si Denso dahil sa murang presyo ng pagtitinda ng matanda sa kaniyang paninda ngunit ang sagot naman ng matanda ay talaga namang nakakaantig ng Puso,”di bale nalang lugi ang importante ay mabenta”.
Napagalaman din na ang pangalan ni Lolo ay Kris Palinis, 78 anyos na at nagmula pa umano siya ng Antipolo upang maglako, Nagtricyle pa umano siya sa halagang P50.00 upang makapagtinda pa sa ibang lugar. Kwento pa ni Lolo Kris ay wala siyang kasama sa bahay kundi ang kaniyang mga alagang aso sapagkat ang kaniyang asawa ay nasa Isabela at iniwan na umano siya sapagkat mahina na ang kaniyang pangangatawan.
Naantig ang puso ni Denso sa kwento ni Tatay, kaya naman bilang tulong sa matanda ay binili niya na ang lahat na paninda ng matanda at nagabot ng mahigit P3000 bilang kabayaran. Labis ang naging tuwa ni Lolo Kris at saad pa nito ay aabot na ito ng 3linggo sakaniya at magpapahinga na lamang muna siya sa pagtitinda.
Napakalaking tulong na ito para sakaniya lalo pa’t mag-isa na lamang siya sa buhay. Hindi pa natatapos don ang kabutihang loob ni Denso sapagkat hinatid pa niya ang matanda sa tricycle at binayaran ang pamasahe ng matanda.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment