Ang pagiging isang security guard ay hindi lang basta-bastang trabaho, marami ang nagsasabing pa tayo-tayo lang daw sila at walang ginagawa, pero kung inyong alamin, ang trabaho nila ay may malaking papel sa bawat kompanya, sa kanila nakasalalay ang kaligtasan ng isang kompanya laban sa mga masasamang tao.

Di lingid sa ating kaalaman na nag kanilang sahod ay hindi rin kataasan pero buhay rin nila ang kanilang isinasakripisyo, lalo pa yung iba ay malayo sa kanilang mga Pamilya.

Minsan may kanya-kanya rin silang diskarti para makatipid at makakain sa wastong oras, lalo na kapag wala silang kapalit sa oras ng kainan, makikita mo nalang na sila ay tumatayo habang kumakain, o kayay minamadali ang pagkain para makabalik kaagad sa pwesto.

Ngunit isang post sa social media ang ngayon ay umantig sa mga netizen, ito ay ang larawan ng isang security guard na kumakain habang ang ulam ay “chichirya”.

Ibinahagi ito ni Ralph Reymond Hermano Getanes sa kanyang Social media account at ini repost ng iba’t ibang facebook pages.  Ayon sa post, nakasabayan niya umano kumain ang security guard at nagulat daw siya nang makita na chichirya lamang ang inuulam nito.

Makikita sa larawan na nakangiti pa si manong Guard habang kumakain, Kaya naman tinanong niya ang security guard kung bakit chichirya lamang ang inuulam nito, saad naman ng security guard na siya ay nagtitipid at hangga’t maaari ay ayaw niyang gumastos ng malaki dahil kailangan rin ng pera ng kaniyang pamilya sa Cotabato.

Sabi pa ni kuya, ay sanay na raw sya sa pagkain ng chichirya kaya kahit na straight ang duty nya ay kaya pa rin nito sa buong magdamag. Hindi naman daw sya nagkakasakit .

Sa kabila nito, nananatili pa ring positibo si kuyang security guard at sinabi na darating ang panahon na hindi na chichirya ang uulamin niya kapag ang mga pinag-aaral niya ay nakapagtapos na sa pag-aaral at magkaroon na ng magandang trabaho.

Saad naman ni Getanes, kitang kita rin daw niya ang hirap at pangungulila sa mga mata ni kuyang security guard kahit pa man daw ito ay nakangiti habang sila ay nagkukwentuhan.

Marami naman sa mga netizens ang nadurog ang puso sa sitwasyon at kalagayan ng security guard.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“So inspiring…”

“Ay. Ganon talaga kong madami ka. Pangarap sa buhay. Lahat gagawin mo para sa kinabukasan nang pamilya mo”

“Maraming ganyang guards at janitors nkakaawa tlga cla at yun nmn mga pinagttrabahuhan nila Di man nila nakikita ang paghihirap nila bagkos ang liit NG tingin nila”

“Kaanu ano nyo po pinag aaral nyo? Kung mga anak nyo okay lang magtiis ka, ngunit kung hindi nyo mga anak, magtabi ka po ng para sa sarili mo”

SOURCE


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment