-Ziona Chana, ang lalaki mula sa India na nakapagtala ng natatanging record sa pinakamaraming    anak sa buong mundo.

-Mayroon siyang 39 na asawa, kung saan nagkaroon siya ng 94 na anak at 33 na mga apo.

-Sa pangkalahatan, umaabot ng 166 na miyembro ang malaking pamilya ni Chana.

Sa bansang Pilipinas, hindi tinatanggap ang pagkakaroon ng maraming asawa, maliban na lang kung ikaw ay isang Muslim. Ito ang natatanging kristiyanong bansa na hindi pa ipinapatupad at isinasabatas ang Divorce o pagpapawalang bisa ng Kasal.

YOU MAY ALSO READ:

Babaeng Nagpost ng “No B-R-A Challenge” Umani ng Iba’t-Ibang Komento.
Celpon na Mataas ang Brightness,Resulta- Babae nagkaroon ng 500 Butas sa Cornea.

Ngunit, sa bansang India, kinilala ang lalaking ito na may pinakamaraming anak sa buong mundo, siya si Ziona Chana.

Ayon sa Opisyal na tala, mayroon siyang 39 na asawa kung saan may 94 na anak siya sa mga ito at nagkaroon pa ng 33 na apo.

Dahil sa laki ng kanilang pamilya, kailangan rin nila ng malaking bahay. Sa unang tingin, mapagkakamalan mong malaking apartment complex ang building na ito sa Baktawng, Mizoram, India. Ngunit ang apat na palapag na building na ito ay ang tirahan ng napakalaking angkan ni Chana.

Ngunit kahit magkakasama sila sa iisang bubong, maayos ang pagsasama ng mga asawa ni Chana. Ang kanyang pinakaunang asawa, si Zathiangi, ang nagsisilbing ‘family matriarch,’ at siyang namamahala sa iba pang mga asawa ni Chana.

Today I feel like God’s special child. He’s given me so many people to look after. I consider myself a lucky man to be the husband of 39 women and head of the world’s largest family,” ito ang naging pahayag ni Chana sa kanyang interview sa Sun.

Ayon pa sa ibang asawa ni Chana, mabait at responsableng asawa at ama siya. Siya rin ay pinuno ng isang samahan kung saan hinihikayat nila ang mga kalalakihan na maghanap ng maraming mapapangasawa. Sa ngayon ay mayroong humigit kumulang na 4,000 miyembro ang organisasyong kinabibilangan niya.

Ayon kay Chana, kung bibigyan pa daw ng pagkakataon ay mag aasawa pa ito at balak pumuntang United States at doon maghanap ng mapapangasawang muli.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment