Marami pa pala tayong hindi alam na pwedeng pagkakitaan, minsan akala natin ay wala ng silbi ang mga tuyong dahon sa ating paligid, ngunit ibahin nyo ang puno ng talisay, ibinibenta daw ang tuyong dahon nito.

Ibinibenta ito online o sa pamamagitan ng internet at marami naman ang bumibili sa halagang 49 pesos kada sampung piraso ng tuyong dahon, dahil may malaking benepisyo pala ito sa pag-aalaga ng isda.

Ayon kay Kerwin Anne Reyes isang online seller, sa kaniyang interview sa GMA Public Affairs, binahagi niya na isa siya sa mga nagbebenta ng tuyong dahon ng talisay gamit ang online selling. Noong una daw, ay hindi niya pinapansin ang puno ng talisay sa kanilang bakuran, ngunit isang araw ay mayroon siyang nakita na mga taong nagpupulot ng dahon nito kaya medyu na curious sya kung bakit.

Ayon sa HOWTOCARE:

Tinanong niya din ang mga nagpupulot kung saan nila gagamitin ang mga dahon ng talisay at sinagot naman siya nito na ito ay ilalagay nila sa aquarium. Simula daw ng araw na iyon, ay nag-research ng nag-research si Reyes at nadiskubre na ang tuyong dahon ng talisay ay ginagamit ng mga fish breeders upang mapalaki ang kanilang mga betta fish.

Nakakatulong daw ang paggamit ng mga dahon ng talisay o sunbaked talisay leaves catappa sa Ingles, sa pagpapalaki ng mga betta fish o tinatawag din na Siamese fighting fish. Ito ay mabibili sa halagang Php3000 hanggang Php15000. Mayroon itong makukulay at maliliit na mga isda na mayroong mahabang buntot.

Ang dahon ng talisay ay nakakatulog sa pagkokondisyon ng mga betta fish. Ang dahon din ng talisay ay nakakatulong sa madaliang pagbi-breed ng mga nasabing isda. Kapag sila din ay kumain ng dahong ito ay mayroong malaking epekto na maibibigay sa pagpapalit ng kulay ng mga betta fish.

Natuwa naman si Miss Reyes dahil nagkaroon sya ng pagkakitaan ng walang puhunan. Saad niya na ang mga dahon ay ibinibilad niya at dine-deliver ang mga ito sa mga nag-order kinabukasan. Binebenta niya ito sa halagang Php49 kada sampung piraso ng dahon.

Kaya baka may mga pwede pang maibenta dyan sa paligid nyu na hindi nyo pa alam, try nyo ring e research at baka yan pa ang mag-aahun sa inyo sa kahirapan.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment