Sa panahon ngayon, dyan natin makikilala ang mga taong tunay na may malasakit sa kanilang kapwa, ang nagbibigay ng walang kapalit, may mga tao pa talagang kahit hindi mayaman ay may busilak na puso naman, tulad po sa kwento ng tenant na ito.
Labis ang galak at pasasalamat ng isang tenant mula Lipa, Batangas sa mga may-ari ng apartment na kanilang inuupahan dahil sa kabutihang-loob ng mga ito sa gitna ng pandemic.
Ayon sa Facebook post ng netizen na si Marron Leynes, tatlong buwan na umano silang hindi sinisingil sa upa ng may-ari ng kanilang tinutuluyan.
Mula nang magsimula ang quarantine dahil sa C0VID-19 pandemic, masuwerte daw silang hindi na pinababayad ng renta sa halagang P6,000 kada buwan.
Aniya, “Godbless sa may ari ng aming inuupahang apartment, sa mag asawang Aida & Cesar Ilagan at anak na si Ann Mhe ng Amapola brgy. 2 Lipa City.”
Saad ni Leynes, pitong kwarto raw sila sa naturang apartment at lahat ay hindi muna pinabayad ng renta, malaking halaga na yun kung tutuusin.
Ngunit hindi lamang daw libreng upa ang handog ng mga may-ari dahil may ipinamigay pang isang sakong bigas para sa kanilang mga tenants.
Samantala, naikuwento ni Leynes sa kanyang post na nakaraang buwan lamang nang pumanaw ang isa sa mga may-ari na si Cesar at inihabilin daw nito na bigyan ng tulong silang mga nangungupahan.
“Hindi ba’t napakabuti? Ang saya mo siguro ngayon sa langit Ka Cesar??. Kapost post nmn tlaga ang mga ganitong tao?Salamat po sa inyong pag kapa sa amin at sa inyong kabutihan.? #SanaAll,” sabi ng natizen.
Dahil sa kabutihan ay marami ang humanga at pumuri sa mga may-ari ng apartment.
“Good Samaritan. GOD BLESS YOUR FAMILY… MAY THE GOOD LORD RETURN YOUR GOOD DEEDS A HUNDREDFOLD,” sabi ng isang komentor.
“You are so lucky to have a landlord na generous and compassionate. Bless their hearts. As tenants, be grateful dahil madalang na lang ang ganiyang tao sa panahon na ito,” saad naman ng isa pa.
0 comments :
Post a Comment