Nakasaad sa ‘Bayanihan to Heal as One Act” na bawal singilin ang mga nangungupahan sa panahong umiiral ang community quarantine, dahil sa hindi maka trabaho ang karamihan sa ngayon.
You may also read:
Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.
Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.
Ngunit isang balita naman ang umani ng maraming negatibong komento sa online world.
Tinanggalan ng isang landlady ng bubong at pinto ang inuupahang apartment ng isang ginang at kaniyang 2-taong gulang na anak matapos hindi makapagbayad ng renta dahil sa cor0navirus lockdown.
Kuwento ni Princess Remureran, residente ng Barangay 167 sa Caloocan, nawalan ng trabaho ang kaniyang asawang factory worker at naipit sa Bulacan.
Dahil dito, nabigo silang magbayad ng P5,000 para sa 2-buwang renta ng tinutuluyang apartment.
Nitong Biyernes, dumating aniya ang kanilang landlady at galit na galit na ipinatanggal ang bubong at pinto ng bahay, para mapilitang umalis ang mag-ina.
“Bigla na lang siyang bumaba dito tapos sabi samin ang kakapal ng mukha kasi di nagbabayad-upa,” sabi ni Remureran.
Nagbanta rin aniya ang landlady sa kapitbahay niyang si Glenda na tatanggalan din siya ng bubong dahil hindi nakapagbayad ng upa.
Kinuha rin umano ng landlady ang rice cooker ng 2 tenant dahil kumokonsumo sila ng ng kuryente hindi rin ito nababayaran.
Ipina-blotter ni Remureran sa barangay at sa pulis ang insidente.
Ayon kay Kapitan Antonio Reyes ng Barangay 167, kinausap na ng kaniyang staff ang landlady at sinabihang dapat ibalik ang bubong ng paupahang bahay.
“Panawagan sa mga nagpapaupa, nananatili tayong sumusunod sa kautusan ng Pangulo. Huwag na muna maniningil ang mga may-ari ng paupahan kasi tayo ay may pandemya,” sabi niya.
Iginiit naman ng 71-anyos na landlady na marami sa mga tenant ng kaniyang 40 apartment unit ang nakakapagbayad.
Marami aniya siyang gastusin dahil sa mga gamot niya, ng kaniyang asawang na-stroke, at mga apo.
Alam naman umano niyang bawal ang kaniyang nagawa kaya iniutos niyang ibalik din ang bubong.
Kwento rin niya, umutang umano ng 30 kilos na bigas si Remureran at sinabing mamamasukan sa kanya para mabayaran ito, pero hindi sumipot.
May kinuha rin umanong gamit sa kanya ang nanay ni Remureran kaya patong-patong na ang galit niya.
Maaaring maharap sa kasong kr1minal ang landlady, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año sa panayam ng DZMM.
0 comments :
Post a Comment