Talagang mayroon ngang mga anghel dito sa lupa, hindi sila yung literal na mayroong pakpak, kundi sila ay mga instrumento ng Panginoon upang tulungan ang kanilang kapwa. Sila ang mga taong may ginintuang puso at hindi umaasa ng anumang kapalit sa ginawa nilang kabutihan.
Kahit pa man napakasalimoot ng mundo, mayroon pa ring mga taong mapapahanga ka nalang at maiiyak dahil sa ka busilakan ng kanilang loob.
You may also read:
Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.
Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.
Isang malaking halimbawa po nito ang ang isang cashier na tinulungan ang isang matanda upang makauwi ito ng ligtas sa kanyang bahay.
Narito at basahin ang kanyang inspiring na kwento.
Isang Facebook user na kinilala bilang Xiao Xuan ang nag post ng istoryang ito sa social media na talaga namang napahanga ang madaming netizens. Ayon sa kanyang post, dapat ay magbe-breakfast lamang sila ng kanyang anak na lalaki sa isang convenience store sa Taiwan nang makita niya ang isang matanda doon sa tindahan.
Ang kawawang matanda na suot-suot lamang ay diaper ay bumibili ng ilang boteng gatas. Ngunit ang sabi ng cashier na hindi siya pwedeng bumili ng ganito karami.
Inalam ni Xuan ang nangyayari at napag-alaman niya na ang matandang lalaki ay isang regular customer na mayroong Alzheimer’s Disease. Sinabi rin ng cashier na hindi kayang ubusin lahat ng matanda ang binibili niyang gatas at wala rin ito sapat na pera para pambayad.
Kaya napagdesisyunan na lamang nila na bilhin ng matanda ang isang malaking bote ng gatas at sinabi ng cashier:
“OK, you can only buy this big bottle of milk. You cannot buy those small bottles, or else you won’t be able to finish them.”
Matapos niyang bayaran ang gatas, ang matandang lalaki ay lumabas na ng convenience store at umuwi na. At dito na naganap ang interesting na pangyayari.
Laking gulat ni Xuan ng sinundan ng cashier ang matandang lalaki habang papalabas ng tindahan. Kaya pala iyon nagawa ng cashier ay dahil gusto nitong makasigurado na makakauwi ng ligtas ang matanda. Kaya sinamahan niya ito sa kanyang paglalakbay pauwi ng bahay.
At hindi lang pala ito minsang ginawa ng cashier, kung hindi regular niyang sinasamahan na makauwi ang matanda para makasiguro lang na ligtas ito.
Sa naging post nito ni Xuan, maraming netizens ang napahanga ng nakapabait na cashier na ito. Isa siyang magandang halimbawa sa ating lipunan .
You may also read:
Netizen Naawa Sa Isang Matandang Nakatulog Habang Nagtitinda Ng Ice Cream.
0 comments :
Post a Comment