Gulong ng palad nga naman talaga ang buhay, di mo alam kung hanggang saan ka sa ibabaw at kailan ang bagsak mo sa lupa. Katulad na lamang sa isang matandang mangangalakal na ito ng basura at naging palaboy na rin sa kalye ay nakilalang dati palang isang lisensyadong guro.
You may also read:
Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.
Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.
Kinilala siya kay Tatay Alfredo Manuel, na taga Maynila, isa na lamang ngayong scavenger na nangongolekta ng mga plastic bottles at lumang dyaryo. Hindi niyo aakalain na siya pala ay isang licensed teacher na mahilig sa Science at mahilig paring matuto kahit siya ay may edad na.
Ayon sa isang history professor sa UP Manila na si Benjie Mangubat, si Tatay Alfredo ay nagsimula bilang isang janitor sa isang elementary school noon. At sarili niya mismo ang nagpa-aral upang makapagtapos siya sa kolehiyo.
Si Tatay Alfredo ay nakapag-graduate sa University of the East na may degree sa Education. Ngunit ang kanyang pangarap na maging isang guro ay hindi natupan.
Noong makatapos siya sa pag-aaral ay nag-apply siya para sa isang school teacher position sa eskwelahan na kanyang dating nililinisan. Ngunit hindi niya inakala na mayroon siyang pending na kaso ng theft doon sa paaralan.
Dahil talagang gusto niyang magturo, sinubukan pa rin niyang mag-apply sa loob ng limang taon ngunit siya ay nirereject. Kaya naman sa huli ay sumuko na ito at nauwi na lamang sa pangongolekta nga mga basura at pagbebenta ng mga ito.
Ayon kay Mangubat, naging unfair ang society sa kanya. Dahil isa siyang educator pero nangangalakal na lang siya ng basura ngayon. Siguro nga ay disorganized siya pero nakakapanghinayang pa rin.
Dagdag pa niya, “Gusto talaga niyang magturo. Tuwang-tuwa yan pag may kumakausap sa kanya. Kakausapin ka pa niyan in English… ako nga’y teacher pero may mga alam siya na hindi ko alam.”
Si Tatay din pala ay isang civil service exam passer at naipasa din ng Licensure Exam For Teachers (LET) noong 1992.
Ayon naman kay Andrew Pamorada nakikita niya si Tatay na palaboy sa may Taft Avenue, Pedro Gil Area at De La Salle University Manila. At nang makahanap siya ng isang libro na may scientific names ng mga halaman ay kanya itong binili upang ibigay bilang isang regalo kay Tatay.
Nang ibinigay niya ito, ay tuwang-tuwa ang matanda at sinabing matagal na raw niyang hinahanap ang librong ito at hindi niya mabili dahil wala siyang pera.
Ayon kay Tatay, ang gagawin niya ay babasahin niya ang libro saka imememorize ang mga scientific names. At hanggang ngayon ay patuloy pa ring siyang nagbabasa upang madami pa siyang matutunan.
Sana ang mga taong kagaya ni Tatay Manuel ay mabigyan pa ng isang pagkakataon sa buhay.
Panuorin at mamangha sa kanyang kahusayan.
0 comments :
Post a Comment