Bawat isa sa atin ay may magagandang pangarap sa buhay, isa na duon ang magkaroon ng sariling bahay at negosyo upang makamit ang komportableng pamumuhay. Subalit sa pag-abot ng mga pangarap natin kaakibat rin nito ay ang matinding pagpupursige at sakripisyo.

You May Also Read:

Pari Nakunan ng Video sa Binyag,Kulang na lang Baliin ang Ulo ng Bata na Kina-Inis ng mga Netizens.

Mga Supot ng Asin na Ipinamimigay sa Isang Community Pantry, May Sorpresang Pera na Nakatago sa Loob.

Dakilang Doktor, Mas Piniling Sagipin ang Buhay ng Isang Pasyente Habang Kritikal naman ang Buhay ng kanyang Ama!

Hindi madali ang pagtupad sa pangarap lalo na kapag lumaki kang sala’t sa buhay, pero hindi ito hadlang bagkus isa itong inspirasyon upang magpatuloy sa pag-abot nito.

Katulad na lamang sa isang 25- anyos na Pinoy na nagtatrabaho bilang janitor sa Australia na ngayon ay nakapagpundar ng kanyang sariling Pinoy Restaurant sa nasabing bansa.

Sa isang interview ng programang “State of the Nation” ay ikinuwento ni John Andrew Dungca na di sya nag-aksaya ng panahon na tulungan ang kanyang pamilya na nasa Pilipinas.

Dinala sya ng kanyang mga kamag-anak noong 19-anyos pa lamang sya sa Australia para subukan ang kanyang swerte doon. Simula noon ay pumasok na sya bilang janitor sa iba’t ibang hotels, malls, sa bahay at sa kahit mga opisina habang pinagpapatuloy ang kanyang pag-aaral.

Nang makapagtapos at makuha ang kanyang Diploma ay nakapag-apply na sya bilang Assistant sa isang pasilidad na nag-aalaga ng mga matatanda, subalit di pa din nya binitawan ang trabaho bilang janitor.

Ayon pa kay Dungca, ay mahirap talaga mamasukan bilang “Overseas Filipino Worker” subalit ang lahat ng kanyang paghihirap ay nagbunga ng matamis sapagkat unti-unti niyang nadala ang kanyang naiwang pamilya papuntang Australia.

Nito lang nakaraang 2020, sa pamamagitan ng kanyang ipon na bunga na rin ng kanyang pagod at pawis ay naipatayo nya ang kanyang sariling Filipino restaurant sa Australia na kanyang tinawag na “Salu-salo”.

Talaga ngang masarap lasapin ang tagumpay na bunga ng iyong paghihirap.

You May Also Read:

Vlogger na Nag-live sa Ginawang “Octopus Mukbang”,Laking Pagsisisi Matapos Lamunin ng Buhay na Pugita ang kaniyang Mukha!


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment