Ang buhay nga ay inihahalintulad sa gulong, na minsan ay nasa ibabaw at minsan naman ay nasa ilalim, ibig sabihin na walang permanente sa mundo, lahat na natatamo natin ngayon ay temporaryo lamang na isang araw lahat ay pwedeng maglaho, kung nasa taas ka baka biglang bumagsak ka.
You May Also Read:
Pari Nakunan ng Video sa Binyag,Kulang na lang Baliin ang Ulo ng Bata na Kina-Inis ng mga Netizens.
Isang halimbawa nito ay ang buhay sa ngayon ng isang dating Punong Guro sa Paaralan na ngayon ay isa na lamang Janitress. Marami ang naawa at nagulat sa naging trabaho ni lola matapos na ang kanyang tinuturing tahanan noon na Paaralan kung saan siya ay Principal, ngayon isa na lamang siyang Janitress.
84-anyos na si Lola na kinilala kay Pacita “Pacing” Piano.Inalala sya ng kanyang mga dating kasamahan sa pagtuturo at mga estudyante bilang isang istrikta ngunit mabait na guro, sa loob ng 40 taon na pagtuturo at 5 taon na pagiging punong-guro nito. Nang magretiro si Nanay Pacing noong taong 2000,nakaya nyang mamuhay ng maganda, dahil sa pension at retirement plan nya. Napagawaan nya pa ng bahay ang kanyang pamilya at napautang pa nya ang mga taong humihingi ng tulong pinansyal.
Sa di inaasahang pangyayari ang bahay na kanyang naipundar ay nasunog. At doon din nagsimula na di magbayad sa kanya ang mga taong may pagkakautang sa kanya dahil wala na syang maipakitang ebidensya, dahil naisama ito sa natupok ng apoy.
Ang kanyang anak naman na inaasahan nyang makakatulong sana sa kanya ay na barkada at nagkaroon ng masamang bisyo. Kaya naman wala nang magawa si Nanay Pacing kundi ang magtrabahong muli sa kabila ng kanyang edad.
Si Nanay Pacing ngayon ay kumikita lamang ng 2,500 pesos kada isang buwan. Ngunit wala syang sama ng loob sa kanyang anak at sa mga taong may pagkakautang sa kanya. Dahil maluwag nyang tinanggap ang kapalaran na itinakda sa kanya ng Panginoon.
Nawa’y muli po kayong makakabangon at makaahon basta’t alam niyong mabuti ang inyong ginagawa tiyak ipagkakaloob ng Panginoon ang buhay na maayos para sa iyo.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment