Sa pagpasok ng taong 2020, maraming mga delubyo at trahedya na ang hinarap ng mga Pinoy, at nitong Enero ay nagulantang ang buong mundo sa sunod-sunod na pagsabok ng mga bulkan sa buong mundo kabilang na ang Bulkang Taal.
Malaki ang naging pinsala ng pagsabog ng bulkang taal sa mga residente ng Batangas na hanggang ngayon ay patuloy na umaasa sa mga relief goods na ibinibigay sa kanila. Maraming hayop, ari-arian ang biglang naglaho, maraming pangarap at masayang alaala ang nawala dahil sa trahedyang ito.
Kailan ba kaya maibabalik sa normal ang lahat? Dahil ayon sa pag-aaral, hindi lang isang bulkan ang nakapaligid sa Pilipinas at aktibo na balang aaraw ay gugulatin tayo sa bigla-ang pagsabog nito.
Mayroong grupo ng mga siyentipiko na nakatuklas ng isang caldera sa ating bansa.
Sila ay sina Jenny Anne Barretto, isang Filipina Marine Geophysicist, Ray Wood at John Milson, na naka-base sa New Zealand ay gumagawa ngayon ng isang report tungkol sa physical feature ng Benham Rise.
Ayon sa howtocare.net
Doon, nadiskubre nila ang Apolaki Caldera, ang sinasabing pinakalamalaking caldera na makikita sa buong mundo. Sinasabi na may lawak itong halos 150 kilometro.
Para kang nag-drive mula Quezon City hanggang Tarlac City nang balikan. Ganoon kalawak ang bibig nito. Gayunpaman, ang mga detalyeng ito ay nananatili pa ring misteryo at marami pang mga detalye ang hindi natin lubos na nalalaman at naiintindihan.
Batay naman sa mga reports ng University of the Philippines Marine Science Institute Geological Oceanography Laboratory, ang lawak ng Apolaki Caldera ay maihahalintulad sa lawak ng shield calderas ng Mars’ Olympus Mons na siyang pinakamalaking bulkan sa ating solar system.
Talaga nga namang kahanga hanga dahil marami pa palang hindi na diskubre sa ating bansa.
0 comments :
Post a Comment