Lola, Halatang Pagod at Nakatulog Habang Nagtitinda ng Gulay, Di Hamak na Sakripisyo ang Binubuhos Makaraos Lamang.

Isa sa mga pinaghahandaan natin ay ang ating kinabukasan, isa na duon ang magiging ating kapakanan kapag naka abot tayo sa edad na 60 pataas. Kaya habang tayo’y may lakas pa ay kumakayod tayo upang mabayaran din ang ating mga life insurances katulad ng SSS, GSIS at iba pang katulad nito.

You May Also Read:

Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.

Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.

Lola,Muntikan ng Matangay ng Bud0l-bud0l ang P7-milyon Retirement Pay na Pinaghirapan sa Loob ng 30-taon

Sa ating pagtanda ay maging panatag tayo at pwedeng mamahinga na lamang kapiling ng ating mga mahal sa buhay. Subalit, hindi lahat ay kayang mag invest para sa kanilang pagtanda lalo na yung mga kababayan nating isang kahig isang tuka. Kahit pa man may mga programa ang Pamahalaan patungkol sa mga benepisyong makukuha ng ating mga Senior Citizens, hindi naman ito sapat para sa kanilang ang-araw araw na gastusin.

Kung kaya marami pa rin tayong nakikitang matandang nagkakayod kalabaw pa upang mabuhay at mapunan ang pangangailangan nila.

Isang larawan na naman po ang nagpa antig sa damdamin ng ating mga kababayan ng masilayan ang matandang babae na halos nakatulog na sa pagbabantay ng kanyang panindang gulay. Sa sitwasyon ni Lola na imbes nga na magpahinga pa ay heto siya, halatang pagod at nagsusumikap na maka benta.

Hindi naman nakuha ang buong impormasyon kung si lola nga ba ay may pamilya pa na pwedeng tumulong sa kanya.

Sa ating mahal na gobyerno, sana ay mabigyang pansin ang mga senior citizen. Sa mga nangyayari sa bansa, sana ay huwag natin isantabi ang mga mahihirap lalo na ang mga senior citizen. Hirap at sakripisyo nila ang pundasyon nila para manatili sa buhay.

Para naman sa mga mahihilig tumawad, kung sa tingin natin ay kaya naman nating mabayaran ang presyo ng paninda nila ay huwag na sana humungi pa ng bawas dahil hindi natin alam kung anong hirap at sakripisyo nila mairaos lamang ang pang araw-araw.

You May Also Read:

Babaeng Dumaan,Biglang Huminto at Kumanta Upang Tulungan ang Matandang Bulag Na Tumutugtog sa Lansangan.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment