Ang pagiging isang guro ay hindi isang biro na propesyon. Tumatayo siya bilang pangalawang magulang sa mga bata na tinuturuan niya.
You may also read:
Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.
Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.
Hindi lang isa o dalawa kundi madaming estudyante ang kanyang ginagabayan at tinuturuan. Tungkulin at responsibilidad ng isang guro na maturuan ng mga nararapat na kaalaman ang mga batang itinuturing niyang parang mga anak niya na din.
Siya si Maam Virginia Padilla Roble isang guro. Nito lamang ay naaksidente siya at nakapagtamo ng mga sugat at nabalian ng kaliwang braso. Nang dahil dito ay isinugod siya sa Perpetual Succour Hospita sa Cebu City.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay ang doktor na nag-aalaga sa kanya na si Doctor Dilbert Monicit na naging estudyante ni Mam Roble.
Nang siya ay gumaling na at palabas na ng hospital ay laking gulat ni Mam Roble ng ibigay sa kanya ang “Note” ng isang Nurse sa nasabing hospital.
Ang note na yun ay nakasulat sa isang Prescription Paper Standard Format. Nakasulat doon na hindi na kailangang magbayad ng Professional Fee ang guro dahil bayad na iyon 22 na taong gulang ang lumipas.
Dagdag pa ni Dr. Monicit na naging paboritong guro niya si Ginang Roble.
Labis ang naging kagalakan ni Mam Roble sa natanggap niyang Note. Hindi niya akalain na maaalala pa siya ng dati nyang naging estudyante.
Sa ngayon at trending ang istoryang ito at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa karamihan. Patunay lang iyan na sa bawat kagandahang loob na ipinapakita at ginagawa mo sa iyong kapwa ay matutumbasan din ito ng magandang balik gaya na lang ng nangyari kay Mam Roble.
Salamat sa iyo Dr. Monicit at sana ay maging huwaran ka sa ginawa mo Teacher Roble. Nawa din ay mas pagpalain ka pa ng Poong Maykapal.
You may also read:
Netizen, Bumuhos Ang Luha ng Makausap ang Nakakaawang Matanda, Kanyang Tanging Hiling ay “Pamilya”.
0 comments :
Post a Comment