Literal na mabigat ang pinapasan ni tatay, maliban sa isa itong malaking problema kung paano mapapagamot, ini-inda niya rin ang hapdi na dala nito sa kanyang katawan.
You May Also Read:
Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.
Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.
Ayon sa kanyang pagsasalaysay ay nagsimula lang daw ito sa parang kasinlaki ng kalamansi ngunit sa ngayon ay umabot na ng 10 kilo ang bigat na halos matabunan na ang kanyang buong likuran.
Kinilala si tatay kay Mang Jesus, Mahigit 40 taon na umanong pasan-pasan ng 76-anyos na si Mang Jesus, ng Talisay, Camarines Norte, ang malaking bukol niya sa likod na nagpapakahirap sa kaniya sa paglalakad at maging sa pagtulog, minsan nang na i-feature ang kanyang buhay sa GMA Program na “Kapuso Mo Jessica Soho”.
Hinala niya, nakuha niya ang bukol dahil sa pagpapasan ng mainit na kopra noon, na posibleng pinalala ng albularyo na may ibinabakuna sa kaniyang likuran.
Dahil sa kaniyang kalagayan, problema rin para sa kaniya ang paghanap ng malaking damit na maisusuot para maitago ang bukol.
Narito po ang buong pahayag mula sa KMJS:
Sa isang video ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), ipinakita ang paghihirap ng 76-anyos na si Mang Jesus. Nag-umpisa sa isang maliit na bukol ang kalbaryo na nagbago ng kaniyang buhay. Ngayon, umabot na ng mahigit 10 na kilo ang kaniyang bukol na 40 na taon na niyang pinapasan.
Ang bawat pagtulog niya, isang pagsubok dahil kailangan laging nakatagilig. Hirap din si Mang Jesus na magkasya sa mga damit, at dagdag pasanin din ito sa pagtatrabaho niya. Dahil may dinadaing din na sakit ang kaniyang maybahay, si Mang Jesus na rin ang umaako ng ilang gawaing bahay.
Aniya, “Kapag lumapit ako ng doktor, pera ang kailangan. Wala naman kaming pera.”
Kahit na walang kasiguraduhan kung ano ang tumubong bukol sa kaniyang likod, nananatiling matatag si Mang Jesus sa buhay. “Hindi ako natatakot, sabi ko nga sa pamilya ko, ‘Hayaan n’yo na lang ‘yan at kaya ko ‘yan.’”
Para malaman ang tunay na kundisyon ni Mang Jesus, sinamahan siya ng KMJS magpakonsulta sa espesyalista upang matukoy ang sanhi at lunas ng kaniyang bukol.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment