Lalaki, Nagawang Saktan ang Kasintahang Nakilala Online, Dahil Edited Pala ang Mukhang Diyosa niyang Larawan Kaysa Personal.

Marami ang nagagawa ng makabagong teknolohiya sa ngayon. Ang komunikasyon ay mas naging madali para sa magkapamilyang malayo sa isa’t-isa. Mayroong mga social media sites na may malaking tulong upang mapabilis ang komunikasyon.

You May Also Read:

Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.

Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.

Lola,Muntikan ng Matangay ng Bud0l-bud0l ang P7-milyon Retirement Pay na Pinaghirapan sa Loob ng 30-taon

May mga magaganda at masasamang naidudulot rin pala sa paggamit nito. Yung iba ay nagkakaroon ng kasintahan at nahanap ang kanilang partner in life dahil sa social media. May mga editing apps din na pwedeng gawing mas maganda ang iyong itsura, seksi at makinis kung ito ay yung nanaisin.

Ngunit, tila naging masama ang resulta ng ginawa ng babaeng ito matapos na gumamit ng mga pampagandang application.

Ayon sa ulat, binugb0g ng isang lalaki ang kanyang kasintahan na nakilala online nang magkita sila ng personal.

Ang buong akala ng lalaki ay mala-Diyosa ang kanyang girlfriend dahil sa mga larawan nito sa social media.

Parehas chinese national sina Huang at Xiaojin, hindi nila tunay na mga pangalan. Xiaojin ay may bilugang mata at flawless na balat. Sexy rin umano ito at maganda ang buhok.

Kaya naman agad na na-inlove ang lalaki sa babae nang makita ang mga larawan nito sa “WeChat,” isang chinese social media application.

Agad na plinano ni Huang ang personal na pagkikita nila ni Xiaojin. Bumyahe siya ng malayo at gumastos ng malaking halaga ng pera upang makita, makasama at mahalikan na ang kanyang kasintahan.

Ngunit nagbago ang lahat nang magkita na sila. Hindi makapaniwala si Huang sa kanyang nakita. Tingin niya ay isang poser ang nagpakilalang Xiaojin sa kanya.

Ibang iba raw ang itsura ni Xiaojin sa personal kumpara sa mga larawan nito.

Ayon kay Huang, sa mga larawan umano ni Xiaojin ay makikita ang flawless at magandang balat, ngunit sa personal ay may mga butas ang mukha nito.

Mas mataba rin daw ang babae at singkit ang mga mata. Samatalang ang kanyang girlfriend ay sexy at bilugan ang mga mata.

Ipinaliwanag ni Xiaojin kay Huang na siya ang kasintahan nito at inamin rin niyang may filter at edited ang kanyang mga larawan.

Ani Xiaojin, dapat ay mahalin pa rin siya ni Huang dahil siya at ang babaeng nakilala niya online ay iisa. Aniya, hindi siya gumamit ng make-up upang ipakita ang totoong “siya.”

Ngunit ayaw makinig ni Huang sa paliwanag ng babae. Sa kanyang galit ay binugb0g nito si Xiaojin sa publiko.

Kinailangan siyang dalhin sa ospital upang magamot ang mga sugat nito.

Hindi naman nagsisisi si Huang sa kanyang ginawa. Aniya, pakiramdam niya ay niloko siya.

Nagkaroon ng settlement ang dalawa nang dalhin sila sa police station at agad na umuwi si Huang.

Bago umalis ng presinto ay sinabi ni Huang na hinding hindi na siya makikipag relasyon sa kahit na anomang social media sites.

You May Also Read:

Groom, Tinawag na Walang Modo ang Singer Nang Tanggihan Ang Request Na Libreng 20 Kanta Sa Kanyang Kasal Kapalit ang Pagkain sa Reception.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment