Kahanga-hanga ang mga kabataang sa murang edad ay may alam na kung paano makatulong sa pamilya. Kadalasan ang mga kabataan ay nakatuon lamang sa paglalaro, pag-aaral at di na maalis sa mga gadget.
You May Also Read:
Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.
Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.
Sa hirap ng buhay natin ngayon lalo pa’t nandyan pa rin ang pandemyang nagpapahirap sa atin, marami ang lubusang apektado dahil may mga kompanyang nagsarado na rin at nagbawas ng tao.
Isa sa mga pamilyang apektado at nakaranas ng hirap ay ang pamilya ng 9 na taong gulang na batang si Kenneth Mendoza. Dahil batid ni Kenneth ang hirap na pinagdaraanan nila sa ngayon, ninais ng bata na makatulong at naisipan nga niya na magbenta ng kanyang medalya mula sa mga award niya sa eskwela upang may kunting kita pambili ng kanilang makain na pamilya.
Kanyang ibinahagi sa social media ang planong pagbebenta, “Mga medals ko po. Bente bente lang po. Salamat po”, ang naging post nga ni Kenneth.
Ayon sa mga naging ulat, si Kenneth ay isang estudyante na nasa ikaapat na baitang, at kahit nga mahalaga sa kanya ang kanyang mga medalya, na siyang patunay ng pagsusumikap niya sa kanyang pag-aaral ay mas pipiliin niya pa ngang ibenta ang mga ito, makatulong lamang sa kanyang pamilya na makabili ng makakain nila.
Ngayon kasing kr1sis ay talagang mahirap ang kanilang pamilya, dahil isa ang kanyang ina na nagtatrabaho noon bilang lady guard ang nawalan ng trabaho. Napag-alaman din na isang single mother ang ina nina Kenneth, at sila ay nangungupahan lamang sa isang maliit na kwarto. Nang magkaroon nga ng krisis ay nalubog sila sa utang mula ng mawalan nga ito ng trabaho.
“Itong pandem!c po sobrang hirap po. Sunod sunod kaming nagkakasakit. Nabaon ako sa utang. Sabi ko nga ayoko magkasakit ang mga anak ko. Syempre nanay ako e, mas masakit sakin yun. Bawal din ako magkasakit, dahil paano sila kung nakahiga ako? Hindi pwedeng umaasa kahit kanino, kailangan babangon ako. Kailangan bumangon”, ang naging pahayag naman ng ina ni Kenneth na kinilalang si Cheryl.
At dahil nga sa ayaw ni Kenneth na makita pang nahihirapan ang kanyang ina, ay naisipan nga niya na ibenta ang mga medalya niya, upang matulungan ang ina. “Nahihirapan na po ako kapag nahihirapan si Mama. Iniisip ko lang kung makakabayad pa kami ng bahay. Kasi kapag hindi kami nag bayad palalayasin na kami dito.
Naisip ko po ibenta ang mga medals ko. Kasi kapag pinatagal ko pa sa lagayan, baka po mangalawang. Pero pinaghirapan ko po yun. Gusto ko po ibenta kasi nahihirapan na si Mama ng sobra. Kahit marami na kaming pinagdaanang pagsubok, hindi niya kami iniwan”, ani ng siyam na taong gulang na si Kenneth.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment