Umani ng Papuri ang Magkasintahang Ikinasal at Gumastos Lamang ng Apat na Libong Piso. Paano daw Napagkasya Ito?

Ang pagpapakasal daw ay minsan lamang dumarating sa buhay ng bawat isa, kung kaya’t may mga magkapareha na naglalaan talaga ng malaking pera upang gawing bongga at memorable ang mga pangyayari sa kasalang magaganap.

You May Also Read:

Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.

Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.

Lola,Muntikan ng Matangay ng Bud0l-bud0l ang P7-milyon Retirement Pay na Pinaghirapan sa Loob ng 30-taon

Subalit, may mga magkasintahan naman na mas pina-iiral ang praktikal na pamamaraan ng pagpapakasal, ayon nga sa iba ay kakain lang naman ang mga bisita at iiwan na kayong baon sa utang pagkatapos ng kasal, kung malasin ka pa ay makakarinig ka pa ng kapintasan sa iba.

Kaya sa ngayon, marami ang nagsasabing ayaw na daw nilang magpakasal dahil mas dumarami pa ang kasong hiwalayan sa ngayon. Ganun pa man, iba pa rin naman kapag ikinasal ka sa taong talagang mahal mo at handang samahan ka habambuhay.

Pwede namang makasal na hindi gaanong malaki ang gastusan, ang mahalaga ay may basbas mula sa Panginoon upang maging maganda ang inyong pagsasama.

Katulad na lamang sa kwentong kasalan ng magkasintahang ito. Sa Facebook, ibinahagi ng netizen na may pangalang Gwen Strong, ang kanilang pagiging praktikal sa kanilang kasal ng kanyang kasintahan.

Kung saan ayon kay Gwen kahit raw may dinaranas na Krisis ay nagdesisyon na silang magpakasal ng kanyang nobyo, dahil raw gusto na nilang maging legal ang kanilang pagsasama.

Dagdag pa ni Gwen may anim na taon na rin silang nagsasama ng kanyang kasintahan.

Ang kanilang simpleng kasalan ay sila mismo ang nagplano at kanilang pinaghandaan kung saan ay hindi na daw nila kailangang gumastos ng malaking halaga.

Ayon nga kay Gwen, halos P4,000 lamang ang kabuuan na kanilang nagastos sa kanilang kasal. Ito ay dahil hindi sila bumili ng iba pang mga kinakailangan, katulad na lamang ng ‘wedding ring’ kung saan ay mas pinili nilang gamitin ang ‘promise ring’ nilang magmagkasintahan na noon pa nila suot-suot.

Pag dating naman sa susuotin ni Gwen na wedding gown ay naging praktikal din ito, naghanap na lamang ng puting damit na maganda na nababagay sa okasyon at sa kanya.

Ganun din ang kanyang ginawa sa kasuotan na isusuot ng kanyang kasintahan.

Sa make-up naman polbo at lipstick lamang ang kanyang nilagay dahil di naman siya mahilig sa makapal na make-up.

Imbis naman na kumuha pa sila ng photographer sa kanilang kasal ay cellphone camera na lamang ang ginamit nila at isa sa kanilang kapamilya lamang ang kumukuha ng mga larawan.

Samantala, ang simpleng kasal ng magkasintahan ay dinaluhan lamang ng kani-kanilang mga pamilya at malapit nilang kaibigan, kaya naman parang isang simpleng salo-salo lang din ang naganap sa kanilang reception.

Ayon naman sa ibang nakakakilala sa kanila, dahil daw sa pagkasimple ng kasal ng magkasintahan ay hindi aakalain na ang dalawa ay naikasal na.

Isa sa pinaka-mahalaga sa kanila ayon kay Gwen ay ang suporta ng kanilang magulang.

Samantala, dahil sa naging pagtitipid ng magkasintahan sa kanilang kasal ay agad silang nakapag-ipon at nakapag pundar ng sarili nilang motorsiklo at bukod diyan ay nagawa rin nilang mag hiking sa Bundok Apo.

Sa naturong Bundok ay doon nila ginawa ang kanilang ‘post nuptial photo shoot’ at maging ang kanilang ‘honeymoon’ ngayon na silang dalawa ay legal ng mag-asawa sa mata ng tao at sa mata ng Diyos.

Pahayag naman ni Gwen para sa mga nagbabalak magpakasal, hindi kinakailangan na gumastos ng malaki para lang magpakasal sa taong iyong minamahal.

You May Also Read:

Faith in Humanity Restored: Mamangha Sa Ginawa Ng Isang Babae Sa Matandang Pulubi Na Nanlilimos at Sumusunod sa Kanya.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment