Isang sikat na pakulo ngayon tuwing may kaarawan ay ang pagbigay ng money cake sa mga celebrator. Ang cake ay isa sa mga bida tuwing may kaarawan na tila ba hindi kumpleto ang pagdiwang nito kung wala kang mahihipan na kandila at mag wish ng ninanais mo.
You May Also Read:
Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.
Naging dagdag kasayahan ang sorpresang hatid ng money cake kung kaya’t marami na ang gumagawa nito ngayon. Subalit, siyempre medyu may kamahalan ito depende kung magkanong pera ba ang gusto mong ilagay sa cake na iyong ibibigay.
Nag viral kamakailan ang isang karanasan ng netizen na gustong umorder ng money cake, tila nadismaya daw siya sa kanyang naka transaksyon na gagawa ng cake mula sa online bakeshop.
Ikinagulat daw ng customer ng kanyang malaman na hindi pala sagot ng baker ang perang ilalagay sa loob ng cake!. Siyempre naman po sagot yan ng customer.
Noong una, aakalain mong nagbibiro lamang ang customer, ngunit mukhang seryoso ito sa kanyang tanong. Hindi mapigilang madismaya nito matapos siyang sagutin ng baker.
Ayon sa baker, P800 ang presyo ng maliit na money cake, samantalang P1,500 naman ang malaki. Naka-depende na rin sa customer kung magkano ang gusto nilang ilagay na pera sa loob ng cake. Mukhang hindi naman ito nagustuhan ng demanding na customer, na agad sumagot ng:
“Ay grabe kayo. Sobra naman kayo. kala ko kasama na yung 10k. Totoo ba? Bakit sa iba may kasama ng pera,” reklamo nito. Agad namang nag viral ang usapan nila sa social media, at maraming netizens ang talagang napa-react dito.
You May Also Read:
Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.
0 comments :
Post a Comment