Ang sarap pakinggan ng mga taong positibo ang pananaw sa buhay kahit pa man sila ay may malaking problemang dala-dala ngunit nakangiti pa ring hinaharap ang bukas.
You May Also Read:
Mataas kasi sa panahon ngayon ang kaso ng mga taong kinik1t1l ang sarili dulot ng malalang problema at depression, yung tila akala nila ay wala na silang silbi sa mundong ito.
Kaya kung may mga taong nakaranas ngayon ng problema, maging inspirasyon nyo sana si Kuya na pilit lumalaban at gusto pang mabuhay sa mundo sa kabila ng kanyang kondisyon.
Pagkokopra ang tanging hanapbuhay ngayon ni Kuya na kahit nakahiga lamang dahil paralisado ang kalahating katawan, nakuha pa ring makatrabaho upang buhayin ang kanyang sarili.
Aniya, pakiramdam umano niya noon ay wala siyang silbi dahil hindi siya makalakad. Nang maparalisa ang kanyang kalahating katawan ay nawala na rin ang lahat ng kanyang mga pangarap sa buhay. Kahit kanyang mga kapatid at iba pang pamilya ay ayaw ng kumupkop sa kanya dahil naisip nilang pasanin na lamang ito. Ngunit naisip niyang buhay pa siya at kahit na paralisado ang kanyang kalahating katawan at hindi na nakakalakad ay may halaga pa rin siya sa mundo. Dito rin niya napagtanto na tayo mismo ang makakapagbigay ng pag-asa sa ating mga sarili para patuloy na lumaban sa buhay. Narito ang kanyang pahayag:
“Pakiramdam ko noon, wala na akong silbi sa mundo. Hindi na kasi ako nakakalakad eh. Nawala na lahat ng mga pangarap ko. Pero ang napag-isip-isip ko, ang mahalaga, buhay pa rin ako. ‘Wag mong sabihin na, ‘Mayroon akong deperensya, iba ako sa kanila.’ Kasi tayo lang din naman mismo ang makakapagbigay ng pag-asa sa ating mga sarili. Kaya kahit ganito kalagayan ko, patuloy ako sa pagkokopra. Kapag di ko to ginawa, masasayang aking mga pangarap. Marami pa akong gustong magawa.”
You May Also Read:
Kris Aquino, Matapang na Ibinahagi sa Publiko ang Tunay na Dahilan ng Biglaang Pagpayat Nito.
0 comments :
Post a Comment