Isang kakaibang recipe ang nagviral kamakailan mula sa isang facebook post ni Arlene Garcia, kanyang ibinahagi kung paano nga ba ang dahon ng langka maging isang masarap. crispy at masustansya pa na ulam.
Maliban sa makakamura ka sa mga ingredients, masustansya din umano ito. Naka try ka na bang kumain nito? Alamin po natin.
You May Also Read:
Barkong Lumubog ng 80 Taong Lumipas, Muling Lumitaw at May mga Nakuhang Treasures sa Loob.
Mag-asawang Nakabili Ng Lumang Bahay, Sobrang Swerte! Na ang Bodega ay Puno ng Pera.
Lumalabas ang likas na pagiging mapamaraan ng mga Pilipino sa gitna ng krisis pagdating sa paggamit ng mga gulay upang mairaos pa rin ang pang–ulam para sa hapag–kainan. Habang ang marami ay wala pang natatanggap na ayudang pinansiyal o relief packs, kaniya–kaniya silang paraan upang makapagluto ng mga ulam na matatagpuan lamang sa paligid. Pagdating sa bagay na iyan, bidang–bida ang mga dahon o gulay na maaaring kainin.
Ayon sa post, maaari daw ulamin ang dahon ng langka, bukod sa prutas nito, dahil mayaman daw ito sa calcium at mainam na anti–oxidant. Inisa–isa rin ang mga sangkap na kailangan upang makapagluto nito: isang malaking itlog, cornstach o harina, asin, paminta, mantika, at ang main ingredient na mga dahon ng langka, na kulay–light green at hinugasang mabuti.
Umani naman ito ng reaksyon at komento mula sa mga netizens.
“Ang alam ko, puwedeng gawing crispy ang pechay, saluyot, at kangkong… pero ang dahon ng langka? Puwede pala iyan! Masubukan nga minsan!” sabi ng isa.
Turan naman ng isa, “Dahon ng sampaloc, kinakain namin, masarap na dahon iyon, yung light green pa… pero Crispy Dahon ng Langka? Why not!”
“Naku… wala yang mga dahon ninyo… mas masustansiya po ang dahon ng alingatong… herbal medicine pa po… try ninyo,” mungkahi ng isa.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment