Pinagkatiwalaan natin dahil nga mahal natin, yung akala mong katuwang mo sa pagpaplano ng magiging kinabukasan nyong dalawa ay siya pa palang magtatra1dor sayo.
You May Also Read:
Magkakapatid, Naghanda ng Pa Sorpresa sa Kaarawan ng Ama, Plastik na Lobo at Cake na Gawa sa Itlog.
Ito ang naging karanasan ng kababayan nating Overseas Filipino Worker (OFW) sa bansang Korea. Ang kanyang iniipon na pinagkatiwala sa kasintahan ay winaldas umano ng kanyang nobya.
Nasa P1.8 million ang halaga ng savings ni Ryan Katigbak na napanayam kamakailan sa programa ni Sir Raffy Tulfo, ibinahagi nito na buwan-buwan ay nagpapadala siya ng P100,000 sa kaniyang girlfriend na si Kristine Mae Cortiguerra kung kaya nakaipon siya ng P1.8 million sa loob ng limang taon.
Ang perang ito ay para sana sa pangkasal at hinaharap nilang magkasintahan ngunit laking gulat na lamang ni Katigbak nang malaman niyang wala na palang laman ang kaniyang savings account dahil sa kagagawan ng nobya.
Depensa naman ni Cortiguerra , hindi niya winaldas ang perang naipon ni Katigbak. Nabudol lamang umano siya ng isang driver na si Rodrigo Magnaye na naghahatid-sundo sa kaniya sa tuwing siya ay may lakad.
Kwento niya, sa tuwing sasakay daw siya sa sasakyan nito ay palagi raw may ini-spray ang driver hanggang sa hindi niya namamalayan na bigay na lamang siya ng bigay ng pera rito.
Pinabulaanan naman ito ni Magnaye at maging ang host na si Raffy Tulfo ay hindi kumbinsido sa palusot ni Cortiguerra.
Kawawa naman ang Kababayan nating nagpakahirap sa ibang bansa at mawala nalang ng bigla ang pinaghirapan nito. Kaya kilalanin pong maigi ang ating mga nakakasalamuha, na hindi lamang pera ang pakay nila kundi ang handang samahan ka sa hirap at ginhawa.
You May Also Read:
Customer, Nagalit ng Malamang Siya Pala ang Magbabayad sa Pera na nasa Loob ng “Money Cake”.
0 comments :
Post a Comment