Kahit na sa anong paraan ay may tao talagang gagawa ng kasamaan para lamang magkapera sa madaling paraan.

Dahil sa naging uso sa ngayon ang online shopping, isang platform kung saan diyan ka na lamang mamimili ng oorderin sa online app at ededeliver mismo sa bahay ninyo.

Ang negosyong ito ay isang malaking oportunidad pala para sa mga taong may masasamang balak. Ito ang naging viral kamakailan dahil sa ginawa ng mga lalaking ito.

You May Also Read:

Sobrang Sakit, OFW na Ina, Minura ng Anak Dahil Hindi Agad Nakapagpadala ng Pera.

Anak, Nagulat ng Makita ang Ama na 25 Yrs ng Nawawala sa mga Nakuhang Larawan sa Lansangan.

Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.

Sa isang Facebook  post, ibinahagi ng netizen na si Jay Jazo ang naging karanasan na di umano’y panibagong m0dus ng mga kawatän.

Bandang alas-2 ng hapon ng may kumatok sa kanilang bahay upang magdeliver ng parcel. Gamit ang supot ng sikat na online shoppping store na Shopee, inaabot ng nagpapanggap na delivery boy ang item sa kanya.

Laking taka nito na tila kulang kulang ang detalye sa naturang padala kumpara sa kadalasang mga nakalakip na impormasyon sa mga item na idinedeliver sa kanila.

Dagdag pa dito ang halagang 3,499 libong piso na nakasulat lang sa supot na kanyang lalong ikinagulat dahil sa wala naman siyang natatandaan na may binili na ganun kamahal.

At dahil kakaiba na ang kanyang pakiwari sa kaharap na delivery boy ay kaagad niyang sinara ang pinto at dali-daling ipinaalam sa kanyang ina at kapatid ang pakiwari sa tao sa harap ng kanilang pamamahay.

Sa kanyang pagbalik, sinabi niya na wala siyang ganitong order kaya naman sinabi na lang ng delivery boy na “cancel na lang sir”

Nang kanilang sundan ang nasabing kawatän, ay napagalaman nilang wala itong motorsiklo na kadalasang gamit ng mga nagdedeliver. At sa may bandang kalayuan ay may nakaabang sa kanyang isa pang lalaki sakay ng isang motorsiklo na nka-short at tsinelas lamang na talaga namang hindi mo pagkakamalang nasa oras ng trabaho.

Sa huli ay laking pasasalamat nito sa Diyos at hinayaan nitong siya mismo ang sumalubong sa nagpanggap na delivery boy dahil kung ang ibang miyembro ng pamilya niya ito ay malamang tinaggap na at binayaran ang package na hindi naman nila inaasahan.

Giit rin nito na hindi niya nilalahat ang mga delivery riders bagkus ay maging mapagmasid na lamang ang lahat, lalo ngayong halos lahat ng tao ay natuto ng mamili online dahil sa mga ipinapatupad na [email protected] para sa ating lahat.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment