Kapag isa kang magulang, lahat ay gagawin mo para sa iyong pamilya. Mas marami ang mahihirap nating kababayan at lalo pang nadaragdagan ngayon dahil sa pandemyang ating kinakaharap.
You May Also Read:
Sobrang Sakit, OFW na Ina, Minura ng Anak Dahil Hindi Agad Nakapagpadala ng Pera.
Anak, Nagulat ng Makita ang Ama na 25 Yrs ng Nawawala sa mga Nakuhang Larawan sa Lansangan.
Pahayag ng Dalaga, Matapos Maligo sa Swimming Pool, Bigla nalang Daw Siyang Nabuntis.
Maraming trabaho ang nawala at nagsarang mga establisyemento, Paano na kaya ang mga taong lubusang apektado nito?
Napabalita kamakailan ang naging karanasan ni tatay Ronel Cimafranca, 35 taong gulang at isa sa maraming Pilipino na naapektuhan ng pandemyang ito.
Nilalakad umano ni Tatay Ronel ang kahabaan ng Commonwealth Avenue habang dala-dala ang kanyang resume, sa pag-asang makakahanp ng trabaho sa kanyang madadaanang kompanya.
Nagsara daw ang pinapasukan niyang construction company kaya naman umaasa siyang makaka-ekstra sa mga madadaanang constructions sites.
Kwento ni tatay Ronel, pinaalis ang kanyang pamilya sa inuupahang apartment dahil hindi sila nakapagbayad ng renta.
Sa ngayon ay nakikituloy muna sila ng kanyang asawa at dalawang anak sa bahay ng kanyang biyenan.
Sa Facebook page ng GMA Public Affairs, makikita ang GCASH number kung saan maaaring mag-abot ng tulong kay tatay Ronel.
0 comments :
Post a Comment