Sa kasalukuyan ay maraming kababihang Overseas Filipino Workers ang nalalagay sa peligro dulot ng kanilang amo okaya naman ay pang aabuso sa kanilang trabaho. Ito ang adbokasiya na napiling ipaglaban ni Phenomenal Star Maine Mendoza. Ang mapanatiling maayos ang kapakanan ng ating mga kababayan abroad.

Dahil dito, hindi naiwasan ni Lolit Solis na mabilib kay Menggay. Nag post panga ito sa kanya Instagram Account na sinusubaybayan ng mga taong mahihiling sa showbiz news. Doon kase nilalabas ni Manay ang kanyang mga saloobin sa mga artista. 

Narito ang nasabing post ni Manay Lolit Solis.

"Bongga din si Maine Mendoza Salve. Talagang all out siya para sa kapakanan ng mga babae na OFW. Gusto niya talagang ipaglaban ang karapatan ng mga ito, at dapat ay ligtas habang nasa ibang bayan at nagtra trabaho. Dapat kasi talaga na alagaan ng ating embassy ang karapatan ng mga babae na nasa ibang bayan, lalo pa nga at inaapi ito ng mga amo nila. Mabuti na lang at napili ito ni Maine Mendoza na advocacy dahil malaking tulong sa mga OFW. Dapat may mga ganitong project ang mga artista natin, dahil kahit paano pag kasali sila nagkakaruon ng ingay ang isang bagay. Good choice for Maine dahil mga tulad niyang babae ang kanyang ipinaglalaban. Mga babae na naghihirap kumita ng pera kahit malayo sa pamilya nila. Bravo Maine Mendoza. Good job. #classiclolita #takeitperminutemeganun"

Samantala, hindi rin makakaila na karamihan sa mga sumusuporta kay Menggay mula noon at ngayon ay galing sa iba't-ibang panig ng mundo.

Noon ngang naabot ang Most Tweeted Hashtag na #AlDubEBTamangPanahon ay naging malaking bahagi ng kasaysayan ang mga ADN na OFW'S na matyagang nagtweet para maabot ang Guiness Book of World Record.

Saludo kami sa lahat ng mga kababayan nating OFW's na nagsasakripisyo para sa pamilya at sa ating bansa. Mabuhay po kayo.







Source: Bronze Channel

About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment