Bago pa man magtapos ang buwan ng Nobyembre ay isang malungkot na balita ang kinumpirma ng Regino Family sa ABSCBN News Team. Sa isang panayam ay kinumpirma ng asawa ng batikang singer na pumanaw na nga si April Boy Regino.
Nagluluksa ang buong music industry sa kanyang pagpanaw at maging ang mga tagahanga nito. Naging parte ng bawat buhay ng mga Filipino ang kanyang mga awitin lalong-lalo na ang "Diko Kayang Tanggapin".
Maging ang mga OFW's ay ito ang kantang kanilang dinadala sa tuwing naho-homesick sila at namimiss ang Pilipinas.
Samantala, 2009 ng magsimulang makipaglaban si April Boy sa sakit na Prostate Cancer. Nagkaroon din sya ng Diabetes dahilan ng kanyang pagkabulag.
Ito rin umano ang nakikitang dahilan ng kanyang pagpanaw ayon sa reporter na nakausap ng pamilya.
Panoorin ang buong kwento sa video na ito.
Source: Bronze Channel
0 comments :
Post a Comment