Bilang mga magulang, lahat ay kanilang gagawin para sa kapakanan ng kanilang mga anak at ng buong pamilya. Yung tila imposible, ay talagang hahanapan ng paraan para ito ay makamit para sa ikabubuti ng pamilya.
Ang haligi ng tahanan ay dapat matatag at di basta-basta nagigiba o sumusuko na lamang sa hamon ng buhay. Ito nga ang pinamalas ng isang amang ito para sa kanyang kawawang baby.
You May Also Read:
Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.
Sa post na ibinahagi ni Cristina Magpuyo Birao sa kaniyang facebook account, makikita ang nakakaawang kalagayan ng mag-ama. Ayon kay Cristina, nadaanan niya umano ang lalaking naglalako ng hilaw na mais habang karga-karga nito ang kaniyang isang buwang gulang pa lamang na sanggol.
Sa pakikipagpanayam sa kaniya ni Cristina, napag-alaman niyang iniwan ito ng kaniyang asawa kaya kinailangan niyang kumayod para sa kaniyang anak na bagong silang. Dagdag pa ng lalaki, wala umanong mag-aalaga at magbabantay sa kaniyang anak kaya napilitan siyang dalhin na lamang ito sa kaniyang paghahanapbuhay.
Naawa si Cristina sa kalagayan ng mag-ama lalo pa’t tirik na tirik ang araw at panahon pa ng pandemiya. Kahit na si Cristina ay miyembro ng TASK FORCE DISIPLINA hindi niya hinuli ang lalaki bagkus tinulungan niya pa ito. Binigyan niya ito ng tulong pinansiyal para may pambili ito ng gatas ng kaniyang anak.
Nang dahil nahabag siya sa mag-ama at nababahala rin siya sa magiging kalusugan ng bata na baka ma-exposed ito sa virus, nanawagan siya ng tulong sa social media upang matulungan ang mag-ama na magkaroon na lamang ng kaniyang magiging tindahan upang hindi siya maglako sa kalsada. Nang sa ganun maaalagaan niya ang kaniyang anak sa loob ng kanilang tahanan.
Maraming mga netizens ang nakaramdam ng awa sa mag-amang ito. Nawa’y mabigyan sila ng tulong para sa kaligtasan ng sanggol.
You May Also Read:
Matandang Babae, Hinuli, Iginapos at Sinabuyan ng Asin Matapos mapagkamalang “Aswang”
0 comments :
Post a Comment