Tatay na Iisa ang Paa, Determinadong Naghahanapbuhay Para sa Kinabukasan ng Anak, Dahil Iniwan na Sila ng Kanyang Asawa.

Sa buhay, lahat ay may kinakaharap na problema, ito ay nakabatay lamang sa kung gaano ka katatag upang labanan ito. Maswerte tayo kung ipinanganak tayong walang kapansanan dahil marami ang nangangarap na sana ay kompleto ang kanilang katawan upang di na sila mahirapan.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Katulad na lamang ni Tatay na isang Ice cream vendor, siya ay determinadong maghanapbuhay kahit iisa lang ang paa na kanyang gamit sa kanyang paglalako ng ice cream.

Napakahirap maghanap buhay lalo na kung ikaw ay may kapansanan. Ngunit dahil sa kahirapan at kagipitan, kahit anong pagsubok ay hahamakin mabuhay lamang ang kanilang sarili lalo na ang kanilang pamilya.

Pinatunayan ng isang ice cream vendor na ito na kahit na siya ay may kapansanan ay hindi ito naging hadlang upang siya ay magtrabaho at kumita ng pera. Sa halip ay nakitaan siya ng determinasyon ng maraming netizens kaya naman marami ang napahanga sa kanyang kasipagan.

Sa post na ibinahagi ng isang Facebook user na si Geri Katigbak Tirona Zamora, makikita ang isang lalaking nagtitinda ng ice cream na may bitbit na ice chest habang ito ay naglalakad sa may Commerce Avenue sa Ayala Alabang.

Huminto ang lalaki upang magpahinga ngunit makalipas ang ilang minuto ay nagpatuloy ito sa paglalakad na tulong ng kanyang saklay at muling naglakad upang magbenta ng ice cream.

Naglagay ng caption si Geri kalakip ng video at sinabing. “Rest if you must but don’t you quit.”

Makikita na kahit mukhang hirap na hirap ang lalaki ay bakas ang determinasyon nitong makapagbenta at maghanap buhay ng marangal.

Isang netizen naman ang nakausap ni ice cream vendor at ibinahagi ang naging karanasan nito. Nalaman niya na si manong ay kumakayod para buhayin ang kanyang anak na nag-aaral sa elementarya dahil sa kasamaang palad ay iniwan sila ng kaniyang asawa ilang taon na ang nakalipas.

At dahil walang ibang tutulong sa kanila ay nagsusumikap ito na mabigyan ng mabuting kinabukasan ang kanyang anak.

You May Also Read:

Isang Baka ang Lumuha at Pinuspos ng Halik ang Taong Tumulong Magpa-anak sa Kaniya, Ngunit May Hindi Inaasahang Nangyari sa Kanya.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment