Ayon nga sa mga kasabihan, na ang buhay ay gulong ng palad. Di mo alam bukas kung ano na ang pwedeng mangyari sayo, kung kaya’t habang may buhay ay mas piliing gumawa ng kabutihan.
Gaya nalang ng kasabihan ng isang negosyante na ito na bumili ng isang banko upang gawing apartment.
“Remember, your current situation is never your final destination”.
You May Also Read:
Ayon sa negosyante na ito na kinilalang si Adam Deering ilang taon na raw ang nakakaaran ng hindi siya pautangin ng isang banko at ang banko na sinasabing ito ay ang kanyang binili ngayon upang gawing eight apartments at retail unit.
Kwento ni Adam sa kanyang Instagram account, nabili niya ang bankong tumanggi na siya ay pautangin noong siya nasa edad 21 gulang pa lamang. Naisipan daw ni Adam noon na mag loan sa naturang banko upang simulan ang kanyang pangarap na magkaroon ng sariling negosyo.
So Last week, I bought the bank building where I got knocked back for a loan at 21 years old! So when I was a broke a*s 21-years old, I had a dream to work for myself and set-up my own business.”
Noong mga panahon daw na iyon ay gustong gusto niya magkaron ng sariling negosyo at tuparin ang kanyang mga pangarap kaya naman kahit sa murang edad niya ay talagang pinagplanuhan niyang mabuti ang gagawin upang makapag loan sa banko. Naghanda rin siya umano ng business plan at nag set ng appointment para makausap ang manager sa naturang banko.
Nanalangin si Adam na sana ay makapagloan siya upang makapagsimula ng negosyo dahil ng mga oras na yon ay hindi niya alam kung paano sisimulan ang negosyo na walang hawak na pera upang gawing kapital.
Matapos mabasa ng manager ang business plan na ginawa ni Adam ay isang nakakalungkot na sagot ang kanyang natanggap. Ayon sa manager masyado pa raw bata si Adam at walang karanasan sa pagnenegosyo kung kaya’t naman hindi nila ito mapapautang at mapapaunlakan sa kanyang kahilingan.
“I sat down with my fingers and toes, crosses, and the woman who was the bank manager took my business plan, went through it quickly and in a patronisingly tone said the problem is “Adam, you are a bit young and you have no business experience. This isn’t something we can do at this stage.”
Halos pagsakluban ng langit at lupa si Adam ng mga panahon na yon dahil sa pangyayari. Dahil umaasa si Adam na magiging maganda ang sagot sa kanya mg manager kaya namam hindi siya nakagawa ng Plan B.
Wala na rin si Adam na trabaho ng mga panahon na yon dahil siya ay nag resign sa isang kompanya ang tanging hawak niyang pera ay sapat lang na pambayad sa apartment na kanyang tinutuluyan at pambayad sa phone-line off BT na nasa ilalim ng 30-day credit terms.
Hindi naman sumuko si Adam sa mga pagsubok na kinaharap, nagsilbing inspirasyon ito sa kanya upang magsumikap.
Hindi nag tagal ay nagtagumpay si Adam at pinatunayan niyang hindi hadlang ang kanyang edad at kawalan ng karanasan sa pagnenegosyo upang matupad ang kanyang pangarap na maging isang succesful businessman.
Talaga naman na kahanga-hanga ang tagumpay na nakamit ni Adam dahil ngayon siya ay namumuno na sa limang multi-million companies na kinabibilangan ng debt management firm.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment