Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ay mas marami na itong natutulungan upang mapabilis ang gawain ng mga tao, malaki ang naitutulong ng patuloy na pag-unlad ng teknolohiya sa mundo.
You May Also Read:
Pero, ika nga lahat ng sobra ay nakakasama kung kaya’t dapat ay e balanse din natin ang paggamit ng mga ito, lalo na sa mga kabataan ng bagong henerasyon. Sa paglipas din ng panahon ay mas lalong naging matalino ang mga tao, yaong imposible ay nagagawan na rin ng paraan at ang maganda nito ay nakakadugtong pa sa buhay ng mga tao.
Isa nga sa naging usap-usapan ngayon sa online world ang matagumpay na paglilipat ng puso ng baboy na tinawag nilang “genetically-modified heart” at inilipat nga sa tao na nangyari sa bansang Amerika.
Ito ang kauna-unahang 0perasyon na nagpapakita na ang isang pus0 ng hayop ay maaaring mabuhay sa isang tao nang walang agarang k0mplikasyon. Kadalasang ginagamit sa transplant ang parte din ng tao kaya naman talagang nakakamangha ang ginawa ng mga doktor na ito.
Ayon sa ulat, ang surgery ay ginawa ng mga doktor noong Biyernes sa University of Maryland Medicine. Sa ngayon ay patuloy na minomonitor ang lagay ng 57-anyos na lalaki mula sa Maryland, USA. Nasa maayos na kalagayan na din ang pasyente, tatlong araw matapos ang 0perasyon.
Sana nga ay maging tuloy- tuloy na ang magandang resulta nito at makatulong na rin sa mga tao ng madugtungan pa ang kanilang buhay at makasamang muli ang kanilang mahal sa buhay.
You May Also Read:
Kris Aquino, Matapang na Ibinahagi sa Publiko ang Tunay na Dahilan ng Biglaang Pagpayat Nito.
0 comments :
Post a Comment