Modus ng Scammer sa mga Money Bouquets Sellers, Nabuyagyag! Magdoble Ingat sa Mga Naka-Transaksyon.

Naging uso na sa ngayon ang mga pa sorpresa sa tuwing may kaarawan at selebrasyon, di tulad ng karaniwan na mayroong handaan lamang ngayon ay mayroon ng twist.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Katulad ng mga cake hindi lang ito basta-bastang cake dahil mayroon pa palang hinihilang pera sa loob. Kung sa mga bulaklak naman naging patok na paandar ang flower bouquet na mas kinakiligan ng lahat.

Subalit, kahit saang mga bagay ang mga mandurugas ay nakikisabay din upang mambiktima, katulad nga ng pangyayaring ito:

Modus ng scammer sa mga Money Bouquets sellers, ibinunyag! - P-T ONLINE

Isang babae na nag-order ng ‘money bouquet’ ang natimbog matapos mapagalaman ang kanyang modus na panloloko gamit ang pekeng resibo na ginagamit pambayad sa mga online sellers.

Sa isang viral video, mapapanood ang isang entrapment operation na isinagawa ng Regional Anti-cybercrime Unit ng Cordillera laban sa isang suspek na umano’y nag-order ng ‘money bouquet’ na nagkakahalaga ng halos 23,200 pesos.

Modus ng scammer sa mga Money Bouquets sellers, ibinunyag! - P-T ONLINE

Kwento ng biktima na si Precious Aquino, nakipag-ugnayan siya sa mga pulis upang maisagawa ang entrapment operation para mahuli ang suspek. Ayon sa kanya, gumawa siya ng isang tunay na money bouquet at ipinadala niya ang litrato sa scammer ngunit ang ginamit sa operasyon ay pekeng money bouquet.

Aakalain mong isa lamang itong normal na delivery setup habang walang kaalam-alam ang babae sa patibong na isinagawa ng mga pulis laban sa kanya, matapos siyang kuhanan ng litrato at tanggapin ang order na bulaklak na akala niyang may malaking halaga ng pera.

Ayon sa report, hindi bababa sa siyam (9) ang nabiktima ng suspek gamit ang pekeng resibo.

“Kawawa naman ang mga biktima nito. Nagsusumikap para may maipakain sa pamilya tapos lolokohin lang,” simpatya ng isang netizen.

Kaya pinapayuhan ang lahat lalo na ang mga online sellers na mas maging mapagmatyag at maging mabusisi lalo na sa mga transaksyon na maaring gumamit ng mga pekeng resibo ang isang mamimili.

“Daming scammers ngayon ingat tayong lahat. Meron pa nga dyan laptop naman ang pinapa-order limited slots lang daw 25,000 ang halaga ng laptop. ‘Yun pala scam. Kawawa naman yung bata na na-scam nila,”paalala ng isang netizen.

Samantala, pinuri naman ng ilang netizens ang naging matagumpay na operasyon na ito.

“Good job mga sir, dapat marami pa kayong mahuli sigurado poh marami yan kawawa ang nabibiktima nila.”

You May Also Read:

Isang Baka ang Lumuha at Pinuspos ng Halik ang Taong Tumulong Magpa-anak sa Kaniya, Ngunit May Hindi Inaasahang Nangyari sa Kanya.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment