Hindi lamang sa tao pwedeng mabuo ang relasyong pagkakaibigan, bagkus ito ay pwede rin sa mga hayop lalo na sa mga alaga ninyong malalapit talaga sa inyong puso. Minsan nga ay tinuturing pa silang miyembro na ng pamilya at minamahal ng sobra-sobra.
You May Also Read:
Subalit, ang relasyong pagkakaibigan ng matandang ito ay tila naging kakaiba kung kaya’t naging laman at usap-usapan siya sa social media.
Pinamangha ni Hiroyuki Arakawaan ang lahat tungkol sa istorya ng kaniyang higanteng kaibigan na naninirahan sa malalim na bahagi ng dagat. Labing walong taong gulang pa lamang si Hiroyuki nang magsimula siyang lumangoy at maging scuba diver sa Japan.
Sa kasalukuyan, siya ay 70 taong gulang na at isang tagapangasiwa sa Torii Shinto religion shrine na matatagpuan sa Tateyama Bay sa Japan.
Sa nakalipas na 25 taon ng kaniyang buhay, nakagawian na niyang magpatunog ng kampanilya sa tuwing bibisitahin niya ang kaniyang kaibigan sa ilalim ng dagat at dali- dali namang lalangoy at lalapit sa kaniya ang isang higanteng Asian sheepshead wrasse na pinangalanan niyang Yoriko.
Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan matapos sagipin ni Hiroyuki ang sheepshead wrasse sa bingit ng kamatayan.
Kamuntik- muntikan na daw bawian ng buhay ang kaniyang kaibigan ngunit iniligtas niya ito sa abot ng kaniyang makakaya at inalagaan. Sa loob ng 10 araw ay pinapakain niya ito ng limang alimasag hanggang sa manumbalik ang lakas nito.
Kitang kita naman sa video kung gaano nga kalapit ang tao at ang kaniyang kaibigang isda. Marahil ay natandaan lahat ng kamalasakitang ginawa ni Hiroyuki kay Yoriko kaya naman binabalik balikan niya ito.
Hindi din mawawala sa kanilang pagkikita ang isang halik na kung saan walang pag aalinlangang tatanggalin ni Hiroyuki ang kaniyang dive mask at regulator upang magawa ito.
Isang malaking halimbawa ito na ang mga hayop ay may puso at pag-iisip din na pwedeng maging tunay mong kaibigan.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment