Ang swerte ng bawat isa ay di natin alintana kung sa anong paraan ibibigay ng Panginoon sa atin, basta’t maging masipag tayo sa mga bagay na siyang makakatulong sa atin.
Ayon nga sa kasabihan, ” Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang Awa”. Kahit anong panalangin ang ating gagawin kung hindi naman tayo kumikilos, ito ay hindi natin makakamit.
You May Also Read:
Isang magandang halimbawa at inspirasyon nga ang buhay ng isa nating kababayan, narito po:
Kamakailan lamang ay marami ang humanga sa isang Pinoy na ito na nakabase sa New York na ngayon ay kumikita na ng Php800,000 sa loob lamang ng isang buwan!
Si Robin John Calalo ang may-ari ng isang stall sa Amerika na nagtitinda ng mga isaw, Betamax, adidas at iba pang mga street foods. Talagang pumatok sa maraming mga Pinoy doon at mga dayuhan ang kaniyang mga paninda.
“Boy Isaw” kung tawagin si Robin at talaga namang binabalik-balikan siya ng kaniyang mga parokyano sa mga food fair at maging sa kaniyang online store kung saan nakakapagtinda din siya ng mga ready-to-grill na street foods. Ayon pa kay Robin, nagsimula ang lahat nang minsan siyang mag-crave ng Filipino street food doon kung kaya naman sumubok siyang magluto at mamili sa halagang $50 o Php2,500 lamang.
Nagluto siya ng marami-rami at saka niya ito ibinenta sa kaniyang mga kaibigan at kamag-anak doon.
“I decided to buy from market with $50 then I cooked. I prepared a lot then I sold it. The first one who bought from me are friends and family,” Pahayag ni Boy Isaw.
Ang kaniyang mga paninda ay adidas, Betamax, isaw, hotdog, at manok sa halagang $3.50 o Php175 kada isang pirasong stick. Mayroon din siyang tinda na kanin sa halagang $2 o Php100 para talagang kumpleto ang Pinoy food experience.
Mayroon din siyang special promo na tatlong sticks na mayroong kasamang inumin sa halagang $14 o Php700 lamang. Ang kaniyang chicharong bulaklak din ang isa sa kaniyang mga best-sellers.
“Ihaw-Ihaw sa New York! Sabi nga ni Kuya Kim, pagdating sa negosyo mapa-Pilipinas man o ibang bansa, HARDWORK is the KEY!” Payo din ni Robin sa iba pang mga Pilipino na nagnanais na magsimula ng kanilang munting negosyo. Siya ay hindi lamang owner ng kaniyang munting negosyo dahil siya ay isa ring fitness instructor sa Amerika.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment