Marami tayong mga kwento na nababasa sa social media na ang marami sa mga ito ay nagbigay inspirasyon at repleksyon sa atin ring buhay. Pero may mga kwento din minsan na tila madadala tayo sa emosyon nila kapag sila ay may galit sa ibang tao, o napapa-reak sa di magandang gawa ng iba.
Katulad nga ng isang viral video na ito na ini-upload ng isang Pahina na The Publisher. Makikita rito ang lalaking galit na galit sa kaniyang kapitbahay matapos baguhin ng mga ito ang password ng kanilang WiFi.
You May Also Read:
Ayon sa uploader, naglabas ng g4lit ang lalaking naka-topless sa nasabing video dahil umano sa pagpapalit ng password ng WiFi ng kanilang kapitbahay. Nakiki-connect lamang umano ang nasabing lalaki sa WiFi ng kapitbahay ngunit nang palitan ng mga ito ang password ay doon na sumugod ang lalaki.
Caption ng The Publisher:
“kapit bahay na nakikiconnect ng wifi nag4lit dahil iniba ang password.ung my ari nlng humingi ng pasensya dahil 10mbps nga lang nman.”
Maririnig naman sa naturang video ang paliwanag ng may-ari ng WiFi kung bakit nila binago ang password.
Ayon dito, sinabihan lamang umano siya ng kaniyang kapatid na lalaki na huwag munang magpa-connect sa iba dahil nagte-training pa umano ito sa call center at kailangan niya ng maayos na internet connection. Dagdag pa nito, nasa 10 mbps lang din ang kanilang WiFi kaya naiintindihan niya ang kaniyang kapatid na huwag munang magpa-connect sa iba.
Ngunit sagot naman ng lalaki sa nasabing video, ilang araw na umano nilang sinasabi training sa call center at hindi pa din matapos hanggang ngayon. Hirap na din daw sa pagmo-module ang kaniyang mga anak dahil hindi makapag-internet. Paliwanag pa nito, sana daw ay kinausap sila ng maayos bago nagpalit ng password. Hindi yung basta na lang pinalitan na hindi man lang sila inabisuhan.
Maririnig din sa video na ilang beses na tinawag na salbahe ng nasabing lalaki ang kapatid ng kaniyang kausap at pinapalayas din sa kanilang lugar dahil hindi daw ito marunong makisama.
Sa isang punto ng video, maririnig na nabanggit ng lalaki na hindi nila lol0kohin ang mga ito dahil siguradong magbabayad sila.
Samantala, umani naman ito ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens. Talaga ngang may mga taong sila pa ang magagalit na wala namang karapatan. Ano po sa tingin niyo?
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment